[Jasper's POV]
"Hoy, JASPER NICOLLO VIRI! Kakain na, paking ka bang bata ka?!"
Napabalikwas ako sa pagkakahiga ko sa duyan nang marinig ko ang makabasag tengang sigaw ng lola ko. Nako, nako, nako! Siguradong tatalakan na naman ako nun! Bakit ba kasi ako nakatulog-tulog pa sa duyan eh?
"Bingi ka bang bata ka?!" Talak pa nito.
"Nakatulog lang po ako sa duyan dun sa bakuran." Sagot ko.
"Naku, dun ka pa natulog! Papapakin ka ng mga antik don! Hala sige, kumain ka ng bata ka at baka maubusan ka. Dadating ang mga pinsan mo mamaya." Sabi nito habang naghahanda ng makakain.
"Sila kuya Rustom po?" Tanong ko habang kumakain. Sila kuya Rustom lang naman ang laging dumadalaw kay lola eh.
"Anong kuya? ATE!" Sigaw ni lola.
Muntik ko nang maibuga yung Pakbet na kinakain ko.
"Ate?!" Tanong ko.
"Hindi mo ba nabalitaan? Naglantad na ang kuya Rustom mo noong nakaraang buwan lang. Umamin sya sa amin na binabae sya." Paliwanag ni lola.
"P-Po?! HINDI NGA?! Hindi po ba't isang taon na lang ay tapos na yun sa Criminology? B-Bakit--"
"Ewan ko ba dun sa kuya mo, Nicollo. Pero ako ang nagsasabi sayo, wag na wag mong pagtatawanan ang kuya Rustom mo pagdating nya dito. Naku eh kahit naging ganun yun, mabuting tao yung kuya mo, kaya galangin mo sya." Si lola.
Wala naman talaga akong galit o diri na nararamdaman sa mga bakla, kaya okay lang. BASTA HINDI AKO SASABIHAN NG BAKLA HINDI AKO MAGAGALET!
Pero sa totoo lang, medyo nanghihinayang din ako. Idolo ko talaga ang kuya Rustom ko eh. Limang taon ang tanda nya sa akin at sya ang madalas magturo sa akin kung paano manuntok noon, kaya naman... nagulat talaga ako at nanghinayang.
Pero ganun talaga ang tao, nagbabago.
Parang... parang kami ni Sherwin. Noon, talagang pakiramdam ko... malapit na malapit kami sa isa't isa, pero ngayon... umepal na yung mayabang na Mikko na yon. Tsk. Baka masira pa ang pagkakaibigan namin ni She--- AAHH! Ano ba to?! Sinabi ko sa sarili ko na kakalimutan ko muna yon, pero bakit-- AAH! Nakakainis!
Pilit kong pinapasok sa kokote ko na... okay lang yung nangyare nung nakaraang linggo, na hindi pinaalam ni Sherwin sa akin ang lagay nya at parang naging close na sila ni Mikko, pero-- AHH! Iba ang pakiramdam ko eh! Pakiramdam ko, mawawala na ang best friend ko. Mawawala na si Sherwin.
"Helloooo~!"
Nagulat ako nang may marinig akong boses sa bakuran namin habang naghuhugas ako ng pinggan. Balak ko sanang puntahan kung sino yon pero nagulat ako nang biglang bumukas yung pintuan.
"Jasper, ikaw na ba yan?!" Nagulat ako nang marinig ko yung boses na yon sa likuran ko.
Nanlaki ang mga mata ko nang lumingon ako. Ang dati kasing matikas kong kuya Rustom, ngayon.... nakapink dress, pink heels pink lipstick at naka wig na. Napaaga ata ang pagsibol ng mga bonggabilya sa damit ng kuya ko.
"K-Kuya--"
"Alam ko na sasabihin mo, Jasper... mukha akong dyosa no?" Nakangiti nitong sabi.
Napatango na lang ako, pero ang gusto ko talagang sabihin, dyosa ng mga bonggabilya.
"Kelan ka pa nakauwi dito, Jasper?" Tanong sakin nito habang kumakain.

YOU ARE READING
Code Name: Agent Red
Teen Fiction[End] One of the top teenage secret agent Rury de la Cruz A.K.A. Agent Red Queen was given a very important mission to save their country, and that is to go to an elite school AS A BOY where Saya Konohana, the daughter of the leader of the terrorist...