[Rury's POV]
"Rury?" Nagulat kaming dalawa nang tawagin kami ni Mama. Parehas kaming napatingin sa kanya ni Iza. Bakas sa mukha ni Mama yung lungkot. Hula ko narinig nya ang pinaguusapan namin.
"Mommy!" Nakangiting takbo ni Iza kay Mama.
Ako naman, nginitian ko lang si Mama... kahit na...
alam kong nasasaktan ako sa loob loob ko.
-----
Matapos naming asikasuhin yung mga papeles sa prisinto, umuwi na kami. Lahat sila, nakatulog na matapos noon, pero ako... gising pa din.
Bumangon ako sa higaan ko at nagpuntang balcony ng bahay sa kalagitnaan ng gabi. Wala akong pakelam kung anong oras na, basta gusto kong mapagisa.
"Sino Mommy mo, ate?"
Hindi ko maintindihan pero nagpaulit-ulit yung tanong ni Iza sa akin na yon sa utak ko.
Masakit.
"Rury." Napalingon ako nang marinig ko si Mama sa pintuan. Buti na lang at hindi ako umiiyak o lumuluha. Ayokong makita nya ako ng ganon.
"Ma, gabi na po." Sabi ko.
"Ako dapat ang nagsasabi sayo nyan." Sabi nito at saka tumabi sa akin sa pagkakasandal ko sa railings.
Hindi ako nagsalita.
"Matagal ko nang sinasabi at pinapaliwanag yon kay Iza, pero... masyado pa syang bata." Sabi ni Mama.
Tumango ako.
"Rury, sana maintindihan mo na masyado pang bata si Iza para maintindihan nya yun."
Tumingin ako sa Mama ko pagkatapos nyang sabihin yon.
"Naiintindihan ko po." Nakangiti kong sabi "Basta, pag dating nang tamang panahon, sana po mailinaw nyo sa kanya, na kapatid nya po ako, Ma."
Ngumiti ito. "Oo, dadating din yun."
Napayuko ako.
Naiintindihan ko na. Ayos na sa akin yun.
"Anak,"
"Bakit po?"
"Ang laki mo na pala talaga.. hindi nga lang kita nasubaybayan."
Napayuko uli ako at napangiti.
"18 ka na sa birthday mo no? Malapit na din pala ang debut mo." Sabi nito at saka pa lumapit.
"Ano ba ang gusto moang regalo sa debut mo, anak?"
--------------------------------------------
[Mikko's POV]
Sobrang sakit ng ulo ko nang bumangon ako sa pagkakatulog ko. Anong oras na ba? Kailangan ko nang kumain ng almusal.
Naligo ako at nagbihis. Balak kong kumain na lang sa canteen, kahit na may mga pagkain na pwedeng iluto sa kusina ng kwarto namin. Wala akong balak magluto... dahil-- damn. Dont ask me why.
Pero bago ako umalis, narinig kong nagriring ang phone ko. Si Coach Vodka. Bakit na naman kaya?
"Yes, coach?"
[Mikko, I have a news for ya.] Sabi ni coach sa maganang tono.
[May new mission ka, King! May naging move kasi ang C.C.!] Narinig kong singit ni Tristan sa phone.

BINABASA MO ANG
Code Name: Agent Red
Teen Fiction[End] One of the top teenage secret agent Rury de la Cruz A.K.A. Agent Red Queen was given a very important mission to save their country, and that is to go to an elite school AS A BOY where Saya Konohana, the daughter of the leader of the terrorist...