Mission 26

3.3K 107 12
                                        

---

[Rury's POV]

Matapos kong turuan ng leksyon yung mga pesteng holdaper na yon, nakahinga ako ng maluwag at tumingin sa paligid.

Hala, wala ng tao? Asan yung mga yun?! Baka nagtago silang lahat nung may nagbarilan kanina? Oo nga pala, buo pa kaya phone ko? Buti talaga dun ako tinamaan ng baril kanina sa banda kung nasaan yung phone ko. Buti na lang din ang bullet proof yun. Hahaha.

"M-Miss." Natigilan ako sa pagmumuni-muni nang may narinig akong boses sa likuran ko. Nagulat ako nang nilingon ko kung sino yon.

Shemay siomai! Si Jasper!

Nanlalaki mga mata nya habang nakatingin sa akin. Naku po! Baka namumukhaan nya ako ah.

Agad kong nilayo ang mukha ko at halos hindi ako magkandatutong harangan ng mga kamay ko ang mukha ko na para bang batang takot na takot. 

"Miss, a-ang galing mo." Nakanganga nyang sabi.

"S-Salamat." Awkward kong sabi habang iniiwas pa din ang mukha ko sa mga mata nya.

"A-Anong pangalan mo?"  Tanong pa nya.

Uh-oh. Anung sasabihin ko?! Kailangan kong magsinungaling. T-Teka nga... ANONG ORAS NA BA?! Pitong puting tupa, BAKA IBITIN AKO PATIWARIK NI MAMA PAG NALATE AKO! 

"M-Miss?" Pangungulit pa rin ni Jasper.

Oh hinde. Kailangan ko nang makaalis! Ngayon din! 

Hinarap ko si Jasper. "W-Wag kang maingay sa mga nangyare ah? May sikreto akong sasabihin sayo." 

"O-Oo." Tulala nayng sabi.

Kilala ko si Jasper, sa mga ganitong pagkakataon, alam kong makakaya ko syang utuin.

Sorry, Jasper, pero kailangan kong gamitin ang pagiging isip bata at uto-uto mo sa mga pagkakataong to. Sincerely yours, Sherwin.

"Isa akong super hero na lumalabas lang sa loob ng isang daang taon, kaya... wala akong pangalan." Seyosong sabi ko sa kanya.

"O-Oo." Tualal nyang pagsangayon.

TEKA SERYOSO?! BINILI NYA YUNG KALOKOHAN NA YON?! Mukhang may aftershock pa si Jasper ah.

"Sige, bata. Magpakabuti ka at... maging mabuting ehemplo sa mga kabataan!" Sabi ko sabay tapik sa balikat nya. 

"O-Opo!" Sabi nya.

"Sige!" Sabi ko sabay takbo ng mabilis, papalayo sa kanya.

Hermergerd! Muntikan na ako dun! Buti na lang at nagtakbuhan na yung mga tao at si Jasper na lang ang natira. Hays! Nakahinga ako ng maluwag dun ah.

Sorry talaga Jasper. Wag mo sana akong itakwil dahil ginamit ko ang pagkawindang mo para utuin ka. Sorry talaga.

Agad kong tinawagan si Mae para sunduin ako. Wala na talaga akong oras para magpaligoy-ligoy pa. Magpapahatid na lang ako sa kanila tapos ipapahinto ko na lang malapit sa bahay nila Mama para hindi sila makita.

"Rury, sure ka lang na okay na ang lahat ah?" Paninigurado ni Mae nung kinuwento ko sa kanya yung nangyare.

"Oo naman. Kilala ko yung si Jasper. Yaan mo, pag naging si Sherwin uli ako, sisiguraduhin ko yon." Sabi ko.

"Sige." 

"Nga pala Mae, ano nang nangyayare sa imbestigasyon nyo sa C.C.? Ang tagal ko ng walang balita eh." 

Code Name: Agent RedWhere stories live. Discover now