Mission 13

4.3K 136 7
                                        

[Rury's POV]

Ginhawang-ginhawa ako nang makalabas ako ng school dala ng Van ng agency namin. Mwahahaha! Dalawang araw akong malaya! No wigs, no killer girdles, no man's voice, no school, and NO MIKKO FOR TWO DAAAYS! MWAHAHAHAHAHAHAHA! 

"Ayos ka na ba, Red Queen?" Tanong ni Maam Seri sa akin. 

"Medyo po." Sabi ko sabay buntong hininga. Hindi ko pa rin makalimutan yung nangyare nung isang gabi. Sana may memory eraser din ang Agency namin katulad dun sa Men in Black para makalimutan ko ng nadevirginized ni Mikkong halimaw bakulaw yung mga labi ko. Ugggh. Iniisip ko pa lang yun, parang gusto ko ng sumabog.

"Ms. Seri, bakit po hindi sumama si Mae at Sean sa pagsundo sa akin?" Tanong ko.

"Mukhang busy sila sa pagbabasa at pagaanalyze ng mga files na nakuha mo dun sa nakaraang mission mo. Malapit na ata nila yong matapos kaya ayaw na nilang magpaistorbo." 

"Ahh." Sabi ko.

Nagkakadevelopan na kaya sila? Si Mae kasi eh, imbis na purihin si Sean, iniinsulto nya. Si Sean naman, imbis na maging sweet, grumpy as hell. Ewan ko sa kanila. Bagay naman sila. Haha

 "Rury, may general meeting tayo mamayang hapon. Makakapunta ka ba?" Tanong ni Ms. Seri.

"General meeting? Teka, para saan naman po yun?" 

"Inambush sila Akie at Enzo sa mission nila. Sigurado akong alam mo na ang ibig kong sabihin."

"Yung traydor na naman?" Kunot noo kong tanong. "Bakit general meeting ang kaialngang gawin? Hindi ba dapat secret inspection?"

Napabuntong hininga si Ms. Seri. "Hindi ko rin alm kay director pero... yun ang gusto nyang mangyare. Ano? Makakarating ka ba?" 

 "Hindi po siguro."

"Welcome, Agent Red Queen and Agent Belle Flower." Sabi ng computer nang maverify nito ang pupil namin. Naunang maglakad si Ms. Seri sa akin

"Hi there, Queen." Nagulat ako nang hinarang ako ni Kharone habang naglalakad ako papuntang office ni Director. "Talagang gustong-gusto mo talaga ang damit pangbahay no?" 

Ano bang magagawa ko kung damit pangbahay uli ang suot ko? Eh eto ang damit na nahugot ko sa maleta ko kanina habang nagpapalit ako ng damit sa Van. Oo nagpalit ako ng damit sa Van para pagdating ko sa Agency, ako na uli si Rury the nerd. Hindi nila pwedeng malaman ang tungkol sa mission ko.

Napangiti ako. "Komportable kasi ako dito eh." 

Nawala ang ngiti nya nang sinabi ko yon. Tinaasan nya ako ng kilay. Nako po, magmamaldita na naman sya. Ewan ko ba kung bakit inis na inis tong babae na to sa akin. "Hindi ko alam kung bakit naging una ka sa listahan ng top secret agents ng agency na to." Sabi nya tapos inikutan ako. "Wala naman akong makitang espesyal sayo, liban sa pagiging nerd mo at sa hilig mo sa damit pangbahay at sa mga anime na pangbata." Sabi nya sabay tawa. 

Napakagat ako sa ilalim na labi ko. Inhale. Exhale. Pag ako nairita ng todo sa babaeng to, baka kahit may dugong nagpupuslitan sa ano ko, karatihin ko sya. Buset eh!

"Queen, you're a no match for an empress like me." Nakangiting sabi nya.

I sighed, tried to get a good posture and looked at her. "Hindi naman ako nakikipagpaligsahan sayo, pero kung gusto mo... pagbibigyan kita." Nakangiting sabi ko sa kanya. Nakakainis eh.

Code Name: Agent RedWhere stories live. Discover now