----------------------------------------------
[Mae's POV]
"Oh? Mission plan lang naman yan nila Enzo at Akie ah?" Si Sean.
"Ang engot mo naman! Hindi ka man lang ba nagulat na nakitang naiwang nakatiwang-wang tong importanteng mission plan nila dito sa unit na to?" Inis ko sagot sa kanya.
Nanlaki ang mga mata nya at tinulak ako papalayo sa unit na kinalalagyan ko. Bwiset kang pangit ka! Sasampalin kita ng keyboard eh! Agad naman nyang chineck yung mission plan nila Akie at Enzo na naiwang nakabukas sa unit na yon.
Ang mission plan ay yung file na isinusubmit namin kay dirextor bago kami umalis ng mission. Dito nakalagay yung mga plano namin, mga gadgets na gagamitin namin at yung mga myembro namin. Mahigpit na ipinagbabawal ang pagpapakita ng mission plan sa iba, dahil sa agency na ito, mind your own mission. At mahigpit ding ipinagbabawal ang pagtingin sa mission plan ng iba. Pero sa pagkakataong ito, sisilipin namin ang mission plan nila Akie at Enzo. Well, wala naman sigurong kaso yun, dahil tapos na sila sa mission nila. Isa pa, nakakapagtakang naiwang nakatiwang-wang tong ganitong kaimportanteng file sa isang unit.
"So it's the traitor huh?" Sya
Tumango ako.
Napabuntong hininga si Sean. "I-Identify mo kung sino ang huling gumamit ng unit na yan at nung huling nag bukas ng mission plan."
Sinunod ko ang sinabi nya. "Si Enzo. Yung card ni Enzo ang huling nakaregister sa unit na to at dun sa mission plan."
Mga tulad lang naming intelligence agents lang ang pwedeng gumamit ng computer lab at ng mga units dito. Gumagamit kami ng mga access card para makapagbukas ng unit. Intellgence agent si Enzo, pero parang may mali.
"Kelan daw?"
"Kahapon." Sabi ko habang binabasa yung mga informations.
"Akala ko ba noong nakaraang araw pa umalis sila Enzo at Akie?" Kunot noo nyang tanong. "Eh bakit kahapon ang nakarecord dyan?"
Napatingin ako kay Sean nang sinabi nya yon. May punto sya. Sigurado akong may kumuha ng access card ni Enzo ng hindi nya namamalayan at saka nya ginamit sa view ng mission plan nila. Mautak na traydor yon.
"Mae." Tawag sa akin ni Sean.
"Oh? Dedede ka?" Inis kong sabi sa kanya.
"Tsk. May idea ako para malaman kung sino ang gumalaw ng plan nila Akie at Enzo." Sabi nya tapos pumunta sa main unit at binuksan ito gamit ang access card nya.
"Anong gagawin mo?" Tanong ko.
"Hahanapin ko yung record ng hidden CCTV na ikinabit ni Andy dito." Paliwanag nya. "Nung nakaraang linggo lang nya yon kinabit."
"Talaga? Bakit hindi ko yan alam?" Ako
"Sa akin lang sinabi ni Andy to at saka dun sa partner nyang si Kharone. Kaming tatlo lang ang may access at nakakaalam nito. Dito ko titingnan kung sino ang nagbukas ng plan nila Enzo. Kung dun kasi tayo titingin sa CCTV na nakakabit mismo dito sa computer laboratory, sigurado akong naedit na nung traydor na yon ang vicinity matapos nyang basahin yung mission plan nila Akie at Enzo, kaya dun tayo sa hidden na kinabit namin." Sabi nito at saka tiningnan ang record ng CCTV.
Nanlaki ang mga mata namin nang makita namin kung sino ang laman ng CCTV.
Imposible!
------------------------------------------------------------------------

YOU ARE READING
Code Name: Agent Red
Teen Fiction[End] One of the top teenage secret agent Rury de la Cruz A.K.A. Agent Red Queen was given a very important mission to save their country, and that is to go to an elite school AS A BOY where Saya Konohana, the daughter of the leader of the terrorist...