[Rury's POV]
Tahimik akong naglakad papuntang kwarto ko at humiga sa kama. Talagang sinakluban ako ng kamalasan ngayon.
Bata pa lang ako nang maghiwalay ang Mama at Papa ko, pero okay na yung naghiwalay sila kaysa sa paulit-ulit silang magpatayan sa harap ng anak nila. Madalas silang mag-sisihan kung sino ang may kasalanan. Sabi ni Mama, lasenggo daw si Papa at mahilig daw magwala, which is totoo naman. Lasenggo dati ang Papa ko at nagwawala talaga sya, pero mabuti naman at nagbago na sya ngayon. Simula nung iniwan sya ni Mama at nagkasakit sya sa baga, nagbago na sya. Sabi naman ni Papa, hindi daw sya magwawala kung hindi nanlalalake si Mama. Sinabi pa nga nya sa akin na maraming beses akong iniwan ni Mama sa school nung bata pa ako, para lang sa kabit nya. Welp, totoo din yun, dahil ngayon, nasa ibang lugar ang Mama ko kasama ang bago nyang pamilya. Ewan ko ba, pero para sa akin, parehas silang may kasalanan.
Nung mga panahong, pinapili ako kung kanino ako sasama, pinili ko ang Papa ko. Hard kasi ang mama ko sa akin. Nandyang buhusan nya ako ng tubig pag hindi ko makuha yung lesson na pinagaaralan namin, hampasin ako ng walis tambo, at sabunutan ako. Yun siguro ang dahilan kung bakit nasa top ako nung elementary pa ako. Takot ko lang na mawala sa top at pagbuhatan nya ng kamay.
So ayun, nagabroad si Mama at naghiwalay sila ni Papa. Pero buti na lang, hindi pa din ako kinakalimutan ni Mama dahil pinapadalan nya ako ng pambaon ko sa school. Narealize din siguro ng Mama ko, na anak pa din nya ako at responsibilidad nya ako, kaya nalaman nya ang halaga ko nung nasa abroad sya. Hanggang sa dumating ang panahong, nagasawa na sya ng iba at nagkaroon na sya ng bagong pamilya. Inaamin kong nakabuti yung pagaasawa nya dahil may kaya yung napangasawa nya dahil nagkaroon ako ng mga half sisters na super cute. Mahal ko ang mga half sisters ko, kahit hindi ko sila buong kapatid.
Now, matapos ang napakahabang pananalaysay, eto na talaga ang tunay kong problema. Ayaw ng Mama ko kung ano ako ngayon. Kay Papa ako lumaki, at nasisiguro ko namang kilalang-kilala nyo na ako, readers. Mahilig ako sa libro at anime, wirdo ako, at may pagkanerd. Yun ang mga bagay na ayaw na ayaw sa akin ng Mama ko. Every time na makikita nyang mukha akong lolang achay na DH, nagagalit sya at wala na syang ginawa kung hindi ikumpara ako sa mg pinsan ko. Madalas nya ding sabihin na, bakit daw ayaw kong makisama sa mga pinsan ko sa side nya, eh may pagka mga taklesa kasi at maaarte ang mga pinsan ko at hindi ko gusto ang gusto nila, kaya... masisisi nyo ba ako? Eh sa wala akong magagawa, hindi ko talaga gusto ang mga gusto nilang bagay. Hindi ko naman pwedeng pilitin ang sarili kong gustuhin yung mga bagay na yun, hanggat makakaya ko, hindi ako nagpapakaplastic. Ang gusto kasi ng Mama ko, maging katulad ako nila.
At ayon... naging mas close pa sila kaysa sa akin sa Mama ko. Welp, masakit talaga dahil pag ako nakikita nya, puro sermon ang inaabot ko, pero pag mga pinsan ko? Masyang-masaya sya. Acceptance lang naman ang hinahanap ko.
Tao din ako readers, nasasaktan. Lumaki akong walang ina, at nung nasa harapan ko na, wala na syang ginawa akung hindi ikumpara ako sa iba. Yun an dahilan kung bakit ako naiistress.
Ang haba ng talambuhay ko. *bow*
Tama na ang feels.
-----
"Aalis ka na ba talaga, anak?" Maluha-luhang sabi ng Papa ko.
"Opo. Babalik naman po ako sa Sabado eh. Okay lang yan Pops."
"Wala na naman akong kasama sa bahaay! Uhuhuh." Arte nya.
"Papa, may kasama ka sa bahay, hindi mo lang sila nakikita." Nakangiting sabi ko.
"Tinatakot mo ko eh, lumayas ka na nga! Uhuhuhu."
Natawa na lang ako. Inakap ko si Papa bago ako umalis. "Love you Papa!"

YOU ARE READING
Code Name: Agent Red
Teen Fiction[End] One of the top teenage secret agent Rury de la Cruz A.K.A. Agent Red Queen was given a very important mission to save their country, and that is to go to an elite school AS A BOY where Saya Konohana, the daughter of the leader of the terrorist...