Mission 7

4.8K 118 3
                                    

[Rury's POV]

"Saya, alis muna ako." Sabi ko sabay tayo pero nagulat ako nang marinig kong sinabi din yon ni Mikko ng kasabay ko. Nagkatinginan kaming dalawa.

Gaya-gaya puto-maya dapat ipakain ka na sa buwaya.

"S-Sige." Sabi ni Saya habang nakatingin sa amin.

"Balik ako." Nakangiting sabi ko at saka tumakbo papuntang C.R. ng mga lalake para kausapin si Mae. Pero nagulat ako nang sabay kami ni Mikko na nagpuntang banyo.

"Talagang hindi ka magsasawa kagagaya sa akin no?" Inis kong sabi sa kanya habang nagaantay kami ng may aalis sa cubicle.

"Bakit ko naman aaksayahin ang oras ko sayo?" Sabi nya.

Sasagutin ko pa sana sya pero may dalawang lalaki na umalis ng cubicle kaya tumakbo agad ako papuntang loob ng isang cubicle at nilock iyon.

"Hello Mae?" Bulong ko sa microphone ng earphone ko.

[Agent Red Queen, may iimbestigahan ka mamayang gabi.]

"Ano?"

[May nakapagtip sa amin na may dadating na researcher na nagtratrabaho sa Colorless Company at may dala syang disk na naglalaman ng bagong projcet ng C.C. Doon sya sa isang hotel malapit sa school nyo magpapalipas ng gabi. Ang mission mo, icopy yung mga files ng compact disk na yon. Mamaya na yung ibang impormasyon. Basta aabangan ka ni Sean mamayang 6pm para makalabas ka ng school ng walang nakakaalam.]

 "Sige."

[I'll explain to you the rest later.]

"No problem."

Mukhang may adrenaline rush na naman ako mamayang gabi. Kinakabahan ako na naeexcite. 

Matapos noon, lumabas na akong cubicle at nagulat kong kasabay ko rin si Mikko na lumabas ng cubicle. Nagkatitigan kami ng masama. 

Pasalamat ka Mikko Santos at may mission akong aasikasuhin mamayang gabi, kaya wala akong oras makipagasaran sayo ngayon.

Bumalik ako sa canteen at kumain na kasama si Saya at Mikko. Medyo nakakagulat dahil tumahimik si Mikko at parang wala na talaga syang oras mangbwisit sa akin. Mabuti yon! Nang matahimik ang buhay ko.

Hindi na ako pumasok pa ng panghuli kong subject dahil aayusin ko pa yung mga gamit ko para sa mission ko mamaya. May message kasi akong natanggap mula kay Sean kanina at sabi nya, magkita daw kami sa likuran ng building ng elementary department mamayang 6, kaya dapat hindi ako mahuli.

Agad kong inayos ang mga unan ko para magmukhang may taong natutulog. Kinuha ko rin yung paborito kong damit na ginagamit ko kapag nasa mission ako. Isang makapal na pula na hoody jacket at itim na pants. Dinala ko na rin yung mga gadgets na pinabaon sa akin ng Agency. 

Inalis ko ang contact lense ko at sinuot ang pinakamamahal kong salamin. Homayji namiss kita! Inalis ko yung girdle ko at wig tapos nagpalit na ng damit at itinago yung wig at girdle ko.

Yes! Laking ginhawa talaga kapag wala kang suot na girdle. I'm all fine now! Let's rock!

Agent Red Queen is now active.

Binuksan ko ang bintana sa banyo at tumingin sa labas. Since mataas yung floor ng kwarto namin, nakikita ko ang lahat sa baba. Halos wala ng tao sa baba dahil hanggang ngayon, may klase pa rin. Pinindot ko yung dalawang ballpen na nakaattach sa pantalon ko at automatic na may dalawang lubid na pumuslit mula doon at kumonekta iyon sa punong nasa harap ko. Tumalon ako mula sa bintana at hinila ako ng mga lubid na yon papuntang puno ng sobrang bilis. Hindi kasi ako pwedeng maglakad sa baba dahil may CCTV camera at bawal akong makita ng kahit sino. 

Nagpatuloy-tuloy lang akong maglambitin sa mga puno para makarating sa likuran ng building ng Elem department Hindi naman ako nahirapan dahil napakaraming puno sa school namin. Naabutan ko si Sean na nagiintay sa akin at may dala syang malaking bag.

"Pasok." Sabi nya akin sabay turo sa bag.

Nanlaki ang mata ko. "Kasya ba ako dyan?" 

"Kung ayaw mo, magpapanggap akong janitor at dun kita sa sako isisilid." Inis nyang sabi.

"Oo na. Sabi ko nga papasok na ako eh." Sabi ko tapos binaluktot ko ang katawan ko sa pwestong kakasya ako. Tapos, tinakluban nya ako ng mga libro at papel. Muntik pa nyang pasakan ng papel ang bibig ko. Lang ya!

Napakainit, napakadilim at napakasikip sa loob ng bag. Amoy alcampor pa.  Pero wala akong magagawa kung hindi tiisin to dahil bawal akong makita ng ibang tao. 

Ilang sandali lang naramdaman kong gumalaw na yung bag. Malamang naglalakad na si Sean para makaalis kami. Nagintay pa ako ng ilang sandali, at biglang bumukas yung bag.

"Ano laman nito?" May narinig akong boses. Yung guard.

"Tingnan nyo po." Sabi ni Sean sa naiiritang magalang na tono.

Naramdaman kong may mga tumutusok sa tagiliran ko. Paniguradong yung guard yun. Mabuti na lang at wala akong masyadong kiliti sa katawan.

Ilang sandali pa, at sinarado na uli yung bag. Buti na man at hindi ako napansin sa loob. Nang makarating sa van si Sean, binuksan na nya yung bag at nakalabas na din ako sa wakas.

"Sa wakas!" Sabi ko at saka huminga ng hangin nang makalabas ako ng bag.

"Red Queen, umayos ka na at ipapaliwanag ko sayo ang dapat mong gawin." Sabi ni Ms. Seri.

"Teka, asan si Mae?" Ako

"Makinig ka muna." Sya

Napatango ako.

"Ito si Rodrigo Almarez, sya yung researcher na sinasabi ko sayo." Sabi ni Ms. Seri sabay pakita ng isang picture ng isang matabang gurang na lalake sa akin sa relo nya via hologram effect. "May dala syang compact disk na naglalaman ng bagong project ng Colorless Company na tinatago nya sa room nya sa hotel na pupuntahan natin. Yun nga lang Rury, kailangan mo pa ng finger print nya para mabuksan ang kwarto nya. Buti na lang at saktong may party sa ground floor ng hotel at nandoon sya. Magagawan mo ba ng paraan yon?" 

"Oo naman." Nakangiting sabi ko.

"Oh eto." Sabi ni Sean sabay bato sa akin ng isang square na parang nginuyang bubble gum. Ano ba to? Stretchable sya pero hindi nasisira.

"Patch yan na nakakarecord ng finger print. Dapat mapahawak mo yan dun sa reasercher para maaccess mo yung kwarto nya." Sean

"Sige."

"Red Queen, wag mo na ring problemahin ang mga CCTV camera na nakapalibot sa hotel. Nasa loob na ng hotel si Agent Black Wings ngayon at sya na ang aasikaso sa mga CCTV camera. Kaya nyang i-hack ang system noon at ipadala sa amin ang system para maedit namin ang vicinity ng CCTV." Ms. Seri.

"Okay. I got it." Ako

"May scanner ang phone mo na kayang magcopy ng mga files gamit ang laser. Kunin mo rin tong gloves mo. Kaya nyang makakapit sa pader, at para na rin hindi bumakat ang finger print mo. Kaya mo ba, Agent Red Queen?" 

"Hindi ko kaya, kung wala kayo." Nakangiting sabi ko.

Huminto kami sa hotel. Nagtinginan pa muna kami sa isa't isa bago ako umalis. Nilagay ko ang hood ko sa ulo ko at ibinulsa ang kamay ko sa jacket ko.

Let's the fun begin!

Code Name: Agent RedWhere stories live. Discover now