[Mikko's POV]
"Good morning, Saya. Sorry nawala ako bigla kahapon. Nagloko kasi tyan ko eh." Sabi ni Rury sabay tawa nang magpaliwanag sya kay Saya kinaumagahan.
Hindi ko alam kung paano nya nagagawa yun pero... nakakamangha kung paano sya ngumiti sa harap ng ibang tao sa ganitong mga oras. Ang ibig kong sabihin, walang bakas sa mukha nya na may mabigat syang dinadala. Nakangiti sya at para bang walang nangyare, but I bet... she's dying inside. Hindi ko makakalimutan kung paano sya umiyak kagabi, parang binuhos nya ang lahat ng nararamdaman nya sa pagiyak nya sa dibdib ko.
"Mikko! Ano?!" Nagulat na lang ako nang tawagin ako ni Rury. "Sasabay ka ba sa amin ni Saya mamayang kumain?" Nakangiting sabi nito.
"May meeting ang student council mamaya. Hindi ako makakasama." Sabi ko.
"Ah, sayang." Sabi nito.
"Good luck sa meeting. " Si Saya.
"Oo." Tipid kong sagot.
Aminado ako, nagaalala pa din ako kahit na ganyan ang pinapakita ni Rury. Alam ko kasing... nagpapakapeke lang yan para hindi maapektohan ang cover nya.
Ilang minuto lang ang lumipas, nagsimula na ang klase namin. Normal na normal pa din ang kilos ni Rury, parang walang nangyare. Nang matapos ang klase namin, umalis na ako para sa meeting ng student council. Napapadalas ang meetings namin ngayon dahil malapit na ang intramurals.
-----
[Rury's POV]
"Sherwin, anong booth kaya ang itatayo ng section natin? Nakakaexcite no?" Nakangiting sabi ni Saya habang kumakain kami ng carbonara sa cafeteria.
"Kahit ano, pero maganda yung nakakakuha ng atensyon." Nakangiti kong sabi.
"Sana may mga jail booths no? Para exciting!"
"Sana din may date booths. Kung pwede sana... idadate kita." Nakangiti kong sabi.
Namula sya bago sumagot. "P-pwede naman."
Napangiti na din ako. "Sabi mo yan ah? Idadate kita sa intramurals."
Pinipilit kong ipasok sa kokote ko na sa oras na suotin ko ang pagkatao ni Sherwin Sandoval... hindi na ako si Rury dela Cruz na may ama at lola na nasa ospital at nagaagaw buhay. May trabaho ako... at kailangan ko yong gawin... ano man ang mangyare.
Nang matapos kaming kumain ng sabay ni Saya. Sabay kaming bumalik sa room para sa susunod naming klase.
Medyo nagtaka ako kung bakit wala si Mikko nang makabalik kami. Sabi nila, hanggang hapon daw ang meeting ng Student council kaya wala sya.
Sa totoo lang... napakalaki ng pasasalamat ko sa kanya. Tinulungan nya akong ilabas ang lahat ng bigat na nararamdaman ko kagabi. Kung hindi dahil siguro sa kanya... wala ako sa focus sa pagiging Sherwin ngayon. Gusto kong makapagpasalamat sa ginawa nya. Mabuting tao talaga sya, hindi lang halata sa itsura nya. Haha.
Nang matapos ang klase namin, mag-isa akong bumalik sa dorm namin. Hapon pa naman, kaya ko pang gumawa ng assignments at magpahinga saglit. Mamayang 7 lang kasi... tatakas na ako ng school para puntahan ang para bantayan ang bagong opera kong ama at ang sugatan kong lola. Kailangang may oras din ako para sa kanila.
"Win!" Natigilan ako sa paglalakad nang may marinig akong tumawag sa akin. Iisa lang naman ang kilala kong tumatawag sakin non eh.

BINABASA MO ANG
Code Name: Agent Red
Teen Fiction[End] One of the top teenage secret agent Rury de la Cruz A.K.A. Agent Red Queen was given a very important mission to save their country, and that is to go to an elite school AS A BOY where Saya Konohana, the daughter of the leader of the terrorist...