Mission 32

3.1K 130 16
                                        

[Mikko's POV]

Sabay kaming nagkatinginan ni Saya nang biglang umalis si Rury sa harapan namin. Hindi ko alam kung ano ang eksaktong nangyare, pero halata sa mga mata nyang may hindi magandang nangyare. Balisang-balisa din sya.

"Wait here." Bilin ko kay Saya at saka ko hinabol si Rury sa labas ng cafeteria. Hindi ko alam kung saan sya nagsuot, pero nagaalala ako sa kanya, kaya hahanapin ko sya.

Nililigid ng mata ko ang bawat lugar na madaanan ko. Nasaan na ba yon? Ano na kaya ang nangyare doon? At habang nga na hinahanap ko sya, nakita ko syang tumatakbo ng mabilis papunta ng dorm namin.

"Ru-- Sherwin!" Sigaw ko pero hindi sya huminto. Agad akong tumakbo para sundan sya.

Masyado syang mabilis tumakbo kaya naman naabutan ko na sya sa loob ng kwarto namin. Nakita ko syang nakatalikod at hinahalungkat yung bag nya. Pinasok nya sa loob ng bulsa nya yung dalawang ballpen.

"Ano bang nangyare sayo?" Tanong ko, pero nanlaki ang mga mata ko nang lumingon sya sa akin.

Lumuluha sya at para bang walang buhay ang mga mata nya. Namumutla din sya at nababalutan ng mga butil ng pawis. Yun ang unang beses na nakita ko syang nagkaganoon.

"Kilala mo yung assistant librarian, di ba? Pakisabi sa kanya na aalis ako ng school. Wala na akong oras. Salamat." Sabi nya sa basag at walang buhay na tono at saka naglakad papalagpas sa akin. Hinablot ko ang braso nya bago pa sya tuluyang makalayo.

"Ano bang nangyare?" Tanong ko.

"Mikko, mamaya ko na ipapaliwanag, please?" Nangangatog ang boses at katawan nya nang sinabi nya yon, kaya pinakawalan ko na sya. Hindi ko man alam kung ano ang nangyare, pero nararamdaman kong mabigat ang dinadala nya.

How can I help you, Rury?

--------------------------------------------------

[Rury's POV]

"Rury, nasa ospital kami malapit sa kabayanan ngayon. Kritikal ang lagay ni tito Peter. Kailangan nyang operahan. Pumunta ka na dito, please?" 

Ginamit ko ang maneuver gear ko para makaalis ako ng school ng palihim. Nang makaalis ako ng school, agad akong humanap ng taxi na masasakyan para makapunta sa ospital kung nasaan si papa. Nang makarating kami don, nagbayad at bumaba agad ako para hanapin ang room ng papa ko.

"Saan po ang room ni Peter at Rosario dela Cruz?" Nangangatog kong tanong sa nurse.

"Room 47 po, sa third floor." 

Wala na akong sinayan na oras, agad akong tumakbo papuntang ospital. Damang-dama ko yung mga malalamig na pawis na dumadaloy sa buong katawan ko habang tumatakbo. Gustong umalis ng lahat ng lakas ko habang papalapit ako sa kwarto nila papa, pero kailangang tatagan ko ang loob ko. Nang makita ko ang pinto, pumasok agad ako.

Naabutan ko ang apat kong pinsan na nagbabantay kila inang at papa. Ang kuya kong si kuya Jayson, kasama ang nakababata nyang kapatid na si Alijoy at ang isa ko pang kuya na si kuya Vernie kasama ang nakababatang nyang kapatid na si Vhince. Mga pinsan ko sila sa side ng tatay ko, at sadyang mga close ko na din. Sila yung mga pinsan ko na gusto ko at mga kapatid na ang turing ko.

"P-Papa..." bulong ko sa sarili ko nang makita ko ang papa at lola ko na may nakakabit na aparato sa katawan nila. Lalo na sa papa ko, napakaraming nakakabit sa kanya.

"K-Kuya? Sino po kayo?" Pero natigilan ako nang tanungin ako ni Alijoy pagkapasok ko sa kwarto,

T-Teka, kuya? 

Code Name: Agent RedWhere stories live. Discover now