Epilogue

3.6K 106 12
                                        


Two years later...


[Mae's POV]

"Sean," sabi ko sabay ikot sa upuan, "kumpleto na ba ang mga trainees?"

"Oo," sagot nya.

"Asan na ba si Rury para maturuan nya yung mga bagong salta?"

"Ewan ko," sabay kibit balikat, "kanina pa sila umalis ni Ice, pero di pa sila bumabalik."

"Huh? Nako naman!" Inis kong sabi sabay tayo. Ako na nga lang ang haharap sa mga bagong training agents namin! Ano ba kasing ginagawa nireng si Rury?

Agad akong naglakad papalabas para i-meet ang bagong future agents namin. Sampu silang lahat. Isa-isa ko silang tiningnan at nang nasa hulihan na ko ay nagulat ako.


"Ikaw?"

"Uhm," tahimik nyang sabi.

"Jasper pangalan mo, di ba?"

"Uh, oo,"

"Bakit ka nandito?! TEKA GUSTO MONG MAGING AGENT?!"

"H-Huh?! Hindi ah! A-ang ibig kong sabihen, oo! Pero more on technology ako!"

"Teka pano ka ba nakarating dito?" Tanong ko pa

"Sabi sakin nung boss nyo dito, magagamit daw nya yung..." tapos tinaas nya yung mgakamay nya na naka-quote sign, "talent ko sa arts."

Whoa~ si Director talaga.

"Well, kung si Director na ang nagsabi, wala na kong masasabe pa. Kaso, hindi si Rury ang magttrain sayo... malamang si Ice o si Dr. Art," sabi ko.

"Wala pong problema! Basta may maitulong ako!" Ganadong sabi nya.

Napangiti ako. Sana ganyan tong si Mr. Viri hanggang dulo.


====

[Mikko's POV]

Magkaharap kaming dalawa at wala pa ring nagsasalita. Ganon pa rin sya. Ilang beses ko na syang binibisita dito, pero sa mga oras na yon, nagtititigan lang kaming dalawa.

Bumuntong hininga sya, "wag mo nang sayangin ang oras mo sakin, Mikko..." 

"I just want to make sure you're alive," sabi ko.

Pumikit ang nagiisa nyang mga mata, "Oh worry nothing, I'll be."

Tumayo ako at saka naglakad papaalis. 

"Dalawang taon na, hindi ba?" Narinig kong tanong nya bago ako makaalis.

"Oo,Kharone, dalawang taon na," sagot ko.

"May habang buhay pa akong bubunuin dito sa kulungan na to," parang natatawa pa nyang sabi.

"Sabi mo eh," sabi ko sabay alis.

Pagalis ko ng maximum security section ng Howling Dogs, naramdaman kong nagvibrate ang phone ko.


And yes, you heard it right... Howling Dogs. Nang matapos ang insidente na yon... nagdesisyon ang mga agency namin na magsama na para wala nang awayan. They finally thought that being competitive is a damn child's game. The leading pair agents are Eden and Ice. I knew that it'd be like this because Rury decided to stop being an agent for a while. She continued schooling...

She said she wants to be a teacher... but for the mean while, nagtuturo din sya sa agency para makatulong sa newbies. 


Code Name: Agent RedWhere stories live. Discover now