Mission 42

2.3K 75 10
                                        

[Rury's POV]

Naiwan akong nakatulala sa loob ng meeting room namin matapos ng huling topic na pinagusapan namin. Hindi ko mahanap sa sarili ko ang dapat kong maramdaman.

"Rury, buhay sya. Nakita namin sya sa isang footage ng isang CCTV camera sa isang restaurant," paliwanag ni Sean.

"Pano kayo nakakasiguradong sya nga iyon?" Si Ice.

"Siya yon, White Snake," si Mae "... may bondage sya sa mata, nakita din namin ang mukha nya, pati ang hubog ng katawan nya. Sya yon."

"Nahuli... na ba sya?" Tanong ko.

"Hindi pa. Sa totoo lang... hindi na uli sya nakita matapos non, pero ang mahalaga, may proweba tayong buhay sya," si Sean.


Nakaramdam ako ng kaluwagan nung malaman kong buhay pa sya, pero ang problema, hindi pa sya nakikita. Alam kong galit na glit sya sa akin, kaya... gagawin ko lahat para maayos namin ito.

Tahimik akong naglakad papaalis ng meeting room nang makita ko si Ice sa hagdanan, nakaupo sya at halatang may kinakalikot.

"Anong ginagawa mo?" Tanong ko.

Parang medyo nagulat pa ito nang humarap sa akin, "dun ka nga." ani nito.

"Huh?" Nagkurba ang mga kilay ko at biglang nahagip ng mata ko yung isang relo. Teka, relo ni Eden yun ah?

"Relo ni Eden yan, di ba?" Tanong ko.

Biglang namula ng sobra yung mukha nya. Maputing bata si Ice eh, kaya halatang-halata kung mamumula sya.

"D-Dun ka nga! K-kung hindi, sasamain ka sakin!"

"Uy, di mo pa binabalik kay Eden yung relo nya?"

Napayuko to, "S-Sakin na lang daw eh,"

"Yie, ligaw," sabi ko sabay siko sa kanya.

"Sasapakin kita!"

"Bakit mo binabaklas yan?" Tanong ko.

Biglang medyo nagulat yung mukha nya, "sa totoo lang... medyo nasira na sya dahil dun sa tindi ng impact nung huli ko tong ginamit dun sa mission natin. Ibabalik ko na sana to kay Eden, pero sabi nya akin na lang daw, para daw may remembrance ako at magkakausap pa kami. Eh nung sinabi kong pasira na, sabi nya okay lang daw kung imodify ko," nakangusong paliwanag nito.

"Wow, may love life ka na. Oy, Ice, ang bata nyo pa!" Saway ko.

"Ano ba?! M-Magkaibigan kami ni Eden! Wag ka nga!" Inis nitong sabi.

"Joke lang! Haha." Natatawa kong sabi. "Sanay ka bang magayos ng ganyan?" 

"Dati akong part ng technical team, kaya alam ko kung paano kumalikot ng ganito. Yung magnetic properties ang aayusin ko, baka kasi makatulong sa mission natin bukas. Yung ibang properties nung relo, sa susunod na lang."

"Talino naman ni Ice!" Nakangiti kong sabi.

"Wala akong barya," sagot nito, pero biglang nagseryoso ang mukha nya, "Rury, alam kong iniisip mo yung si Kharone."

Napatingin ako sa kanya. Nabasa pala nya iniisip ko. 

"Tama ako di ba? Buhay sya. Pero alam mo, wag kang matakot... kung babalikan ka man nya, alam kong kakayanin mo uli sya."

"Pano mo naman nasabi?"

"Ang mga taong hinihila ka pababa, ay nasa baba mo na. Ibig sabihin, mataas ka sa kanya. Isa pa, mahihina ang taong gumaganti."

Code Name: Agent RedWhere stories live. Discover now