--------------------
[Icer's POV]
Sumugod uli ako sa kanya gamit ang mga blades ko pero nagulat ako nang maiwasan nya ang tira ko gamit ang pagbaluktot ng bewang nya pababa. Ang sumunod kong nakita, tatama na sa mukha ko yung bakal nyang sibat. Agad kong idinikit ang mga sapatos ko sa ding-ding at saka umiwas sa sibat nya. Buti talaga suot ko yung sapatos ko mula sa Agency na to. Muntikan na ko. Ampota.
[Icer, nakita mo na ba sya?] Tanong ni director sa akin. Nakakbit sa tenga ko yung earphone ko kaya ko sya naririnig.
"Pinipigilan ko syang tumakas ngayon." Sagot ko.
[Kaya mo ba?]
"Pipigilan ko sya hanggat kaya ko, pero hindi ko masisiguradong kakayanin ko sya."
[Sige. Nakakulong kami ngayon sa meeting room, pero susubukan naming tawagin si Red Queen para tulungan ka.]
"Opo."
Matapos non, sumugod na naman ako ng panibagong atake pero nagulat ako nang sinalo nya ang braso kong dapat hihiwa sa kanya. Sinubukan ko syang sipain pero naiwasan nya. Matapos noon, nakatanggap ako ng suntok sa sikumra at hampas ng bakal nyang sibat sa mukha ko.
"You.. bitch." Inis kong sabi at saka ko pinahid ang dugo sa labi ko.
"Ano? Lalaban ka pa?" Nakangiti nitong sabi sa akin.
Hindi na ako nagsalita, I took my stance instead. Ayoko ng magasakya ng laway sa babaeng to. Gagawin ko lahat ng makakaya ko para mapigilan sya.
------------------------------------------
[Rury's POV]
Para akong baliw sa harap ng computer ko habang naglalaro ng Left 4 dead 2. Inimagine ko kasing mukha ni Mikko yung nakakabit sa mga mukha nung mga zombies na papatayin ko. HAH! Puro head shot tuloy.
Pero natigilan ako nang biglang nagring yung phone na binigay sa akin ng Agency. Nakita kong tumatawag si Mae.
"Bakit? Nagkatuluyan na kayo ni Sean?" Tanong ko.
[H-Ha?! HINDE! Rury, kailangan namin ng tulong mo. Nakakulong kami ngayon sa meeting room dahil sa traydor na yon. Kinuha nya ang access card ni Andy kaya sigurado kaming kukuha sya ng mga documents.]
"H-Ha?! Si Icer?! T-Teka, agad-agad?!"
[Hindi si Icer. N-Nagkamali kami. Sasusunod na lang ang paliwanagan! Pumunta ka na sa Agency bago pa nya matuluyang manakaw lahat ng information at documents doon!]
"E-Eto na nga!" Sabi ko sabay baba ng phone ko.
Kinuha ko agad yung ballpen kong maneuver gear at yung skateboard na binigay nila sa akin at agad kong sinilip ang papa ko sa sala. Hindi ko sya nakita doon, pero tingin ko namili na sya ng ihahapunan namin mamaya. Buti.
Umakyat ako ng attic namin at gumapang papuntang bubong. Okay, sabi sa instructions dito sa ilalim ng lumilipad na skateboard na to, tapakan ko lang tong pindutan sa baba at....
"AAAAAAHHHH!!" Tili ko nang biglang umandar ng pagkabilis bilis yung skateboard na sinasakyan ko. Ang kinamalas-malasan pa, pataas yung bubong namin kaya para akong gumawa ng stunt nang umandar yung skateboard ko.
Napakapit ako ng mahigpit sa skateboard habang nakaupo habang umaandar yon ng pagkabilis-bilis sa ere. Kusang bumubuka yung bibig ko dahil sa mga hanging pumapasok dahil sa sobrang bilis ng pagandar. Makaabot pa kaya ako ng buhay sa agency nito?!

YOU ARE READING
Code Name: Agent Red
Teen Fiction[End] One of the top teenage secret agent Rury de la Cruz A.K.A. Agent Red Queen was given a very important mission to save their country, and that is to go to an elite school AS A BOY where Saya Konohana, the daughter of the leader of the terrorist...