Mission 25

3.5K 117 17
                                        

 

[Jasper's POV]

"Jasper... HOY!" Nagulat ako nang gulatin ako ni Lester sa likuran.

Nasa loob kami ng kwarto ngayon dahil gabi na. Naglalaro sila sa PSP habang ako, inaayos ko ang gamit ko dahil aalis ako sa Friday.

"Oh pre, bakit?" Tanong ko.

"Kanina ka pa namin tinatanong kung game ka ba sa jamming bukas ng gabi bago ka umalis, kaso nakatanga ka dyan at hindi ka sumasagot. Isang damit pa nga lang natitiklop mo sa katutunganga mo e."

Napatingin ako sa nagiisang t-shirt na nakalapag sa hita ko. Aba, oo nga no?

"Lester, alam mo namang iniisip pa rin ni Jasper yang si Donna eh. Di ka na nasanay." Sabi ni Kim.

Natawa ng malakas si Lester sa sinabi ni Kim na yon. Naku po naman, ako na naman ang nakita nila.

"Balita ko nga eh, nagkalat si Donna sa kusina ng kwarto nila dahil pinagbake nya daw ng cupcakes yung bagong lalaking nagugustuhan nya." Epal naman ni A.J. .

"Pero sa totoo lang, ngayon ko lang nakitang naging ganun si Donna. Alam mo yon? Kung dati rati eh, halos ichismis nya sa lahat kung sino yung bagong boyfriend nya, ngayon eh... mga kaibigang babae na lang nya nakakaalam." Si Lester.

"May kaibigan ako na close ni Donna na babae, hindi nya sinasabi sa akin kung sino yung bagong kinahuhumalingan ni Donna, pero taga 4-A daw." Nanlaki ang tenga ko nung marinig ko yung sinabi ni Kim.

"Ah, kaya pala. Eh mayayabang naman mga lalaki dun sa 4-A----"Sabi ni Lester pero bigla akong sumingit.

"Liban kay Sherwin!" Agad kong sabi.

Napatingin silang lahat sa akin.

"Idudugtong ko na sana yan." Si Lester. "Sa totoo lang... si Sherwin lang ang nakikita kong pedeng maging kaibigan natin eh. Hindi sya mayabang at maangas. Alam mo yun? Matatalino kasi mga nasa 4-A at di hamak na mas may itsura kaysa sa atin kaya kung makaasta kala mo kung sinong mga prinsipe."

"Basta iba si Sherwin." Nakangusong sabi ko at saka ko nagsimulang magtiklop uli ng mga damit ko.

"Oo na. Magsama na kayo ng best friend mo. Pinagpapalit mo na nga kami dun eh. Tuwing gabi ka nalang nakikijamming samin." Nagtatampong sabi ni A.J..

"Pero alam mo, nakakagulat kasi si Jasper pa unang nagkaroon ng best friend sa 4-A. Napakaisip bata ni Jasper kaya akala ko walang papatol na makipagkaibigan dyan na taga4-A." si Kim.

Hindi ko na sila pinansin kahit na patuloy sila sa pangiinis at pangtritrip sa akin. Ako na lang lage nakikita ng mga bugok na to.

Nang matapos kong magayos ng damit, humiga na ako sa kama ko at hindi na ako nakisama pa sa kanilang maglaro sa PSP.

"Pero sa totoo lang, ngayon ko lang nakitang naging ganun si Donna. Alam mo yon? Kung dati rati eh, halos ichismis nya sa lahat kung sino yung bagong boyfriend nya, ngayon eh... mga kaibigang babae na lang nya nakakaalam."

Aminado akong nasasaktan pa din ako kapag nakakarinig ako tungkol sa bagong lalaking nagugustuhan ni Donna, pero... alam kong hindi yun yung dahilan kung bakit ako nagkakaganito. Pero kung ako pa rin ang tatanungin, ayokong makilala yung lalaking nagugustuhan ni Donna ngayon, baka masuntok ko sya.

Hindi ko alam kung anong nangyayare sa akin, pero nagkaganito lang ako nung nakita kong parang talagang magbarkada na si Sherwin at yung mayabang na Mikko Santos na yon.

Code Name: Agent RedWhere stories live. Discover now