Mission 30

3.4K 95 11
                                        

[Rury's POV]

"I-ikaw?!" Turo ko sa partner ko matapos nyang pumasok.

"Psh." Inis na sabi nito habang nakapulupot ang mga braso nya.

Ansunget talaga.

"H-hindi ako makapaniwala." Dagdag ko pa.

"Eh sino bang gustong maniwala?" Balik na sagot nya.

"Wag naman kayong ganyan sa isat isa." Si director. "Kayo ang magiging magpartner sa delikadong mission na to kaya dapat magkasundo kayo."

Umikot ang mga mata ng partner ko. "Walang kaso sa akin na maging partner ni Red Queen, pero mukhang sa kanya meron. Parang nakakita ng multo nang makita ako." Inis nitong sabi.

"O-Oy! Wala akong sinasabing ayaw kitang maging partner. Hindi lang ako makapaniwala kasi ikaw pala ang magiging partner ko." Depensa ko.

Tumingin ito sa akin na halatang naiinis. "Bakit naliliitan ka ba sakin?!" 

"Uy hindi ah! Akala ko kasi hindi pa pwede yung mga below-15 aged agents na maging partner ko sa mission na to kasi delikado." Sagot ko pa.

"Edi naliliitan ka nga sa akin!" Halatang asar na asar sya sa paliwanag ko. 

Naku naku naku naman! Hindi yun ang gusto kong sabihin. Naman eh.

Natigilan na lang kaming dalawa nang marinig naming umehem si director kaya sabay kaming napatingin sa kanya.

"It is settled." Kalmadong sabi ni director. "Kayong dalawa ang magiging magpartner sa mission na ito, kaya sana magkasundo kayo." 

Nagkatinginan uli kami ng partner ko.

"Hindi biro ang mission na ito kaya kooperasyon nyo ang pinakamahalaga. Naiintindihan nyo ba? Rury at Icer?"

"Opo." Sabay naming sabi.

"Kaming dalawa ni Agent Belle Flower ang pumili mismo kay agent White Snake bilang partner mo, agent Red Queen, dahil alam naming malaki ang maitutulong nya sayo at mapagkakatiwalaan sya kahit na masyado pa syang bata. Pero sana tatandaan mo, Rury... na partner mo si Icer at responsibilidad nyo ang isat isa."

"Opo." Sagot ko.

"Sayo naman, Icer. Gawin mo ang lahat ng magagawa mo para tulungan si Red Queen, pero wag mo ding kakalimutang pangalagaan ang sarili mo, dahil kahit isa ka sa mga top elite working agents, hindi tayo makakasigurado kung ano ang pwedeng mangyare sa mission nyo na to."

"Opo." Sagot nya.

"Tutulungan kayo nila agent Black Wings at Baboon kaya wag kayong masyadong mabahala."

Sabay kaming tumango.

"Ngayon, iiwan namin kayo saglit para makapagusap. Gusto ko kilala nyo na ang isat isa bago kayo lumabas ng agency na to. Now, excuse me." Sabi ni sir at saka sila umalis ni coach sa office.

Naiwan kaming dalawa ni Icer.

"Ngayon... ano?" Sabi nito at saka umupo sa upuan habang nakataas ang paa.

"Icer--"

"Ice na lang." Bored nyang sabi.

"O-Okai. Ice, hindi naman sa ayaw kitang maging partner.. sa katunayan, medyo napanatag nga ako nang malaman kong maging partner ko, kasi nagtulungan na tayo ng isang beses. Sana maging maayos ang trabaho natin." Sabi ko.

Code Name: Agent RedWhere stories live. Discover now