[Rury's POV]
"Win!" Nagulat pa kami ni Mikko nang may tumawag sa labas ng kwarto namin.
Binuksan ko ang pinto. "Wala kaming yelo," nagbiro pa ako.
"Win, seryoso to! Si Jasper, nagkulong! Kaso di na sumasagot!!" Balisang sabi ni Lester.
"Huh?!" Gulat kong sabi at saka ako kumaripas ng takbo papuntang kwarto nila.
Kinalabog ko ang pinto. "Jasper! Si Sherwin to, uy!"
"Kanina pa sya dyan," ani ni Kim.
"Teka, tabi kayo." Utos ko at saka ko binangga yung pinto, pero hindi pa rin bumukas.
"Win, baka nagpatiwakal na yun ah?" Pawisang sabi ni Lester.
Alam ko na! "Makipasok tayo sa ibang kwarto, dadaan ako ng bintana." Sabi ko.
"Huh?! Magpapakamatay ka ba?!" si A.J.
"Hindi, kaso si Jasper baka may balak," sabi ko tapos kumaripas ako sa kabilang kwarto at dumaan sa bintana. Makitid ang daanan dahil sa tubo lang ako naglalakad, pero sanay na ako sa ganito.
"Jasper," sabi ko at saka ko kinalabog yung bintana. Nakita ko si Jasper na nakatalukbong. "Oy, pakibuksan!"
"Sh-Sherwin?!" Gulat na sabi nito at saka dali-daling binuksan ang bintana. "Ano bang pumasok sa isip mo?! Bakit ka dun dumaan?!"
"Sira ka yata eh? Nagaalala ako sayo, syempre," kumakamot ulo kong sabi. "Buksan mo na, baka magalit yung nasa labas."
"S-Sherwin..." biglang na namasa ang mga mata ni Jasper. Nagulat na lang ako nang umakap sya sa akin. "SHERWIN!!"
Naramdaman ko ang paginit ng mga pisngi ko nang umakap sya. "J-Jas--"
"Sherwin... sorry... sorry..." humihikbing sabi nito. "Pero... hindi ko na alam. Sasabog na ulo ko." Sabi nito.
"H-huh? Bitiwan mo nga ako! Baka mapagkamalan tayong bading eh!" Sabi ko.
Pero di sya bumitaw, "Sherwin... wag mo kong iwan."
Natameme ako sa sinabi nyang iyon. Ramdam ko ang tibok ng puso nya habang nakaakap sa akin. Hindi ko alam kung ano pumapasok sa ulo nya, pero alam kong seryoso sya.
"Pre, magkaibigan tayo. Pasensya na din, dahil hindi ko sinabi sayo na ako yung natitipuhan ni Donna. Ayoko kasing magalit ka sa akin. Alam kong nasaktan kita, pero promise, hindi ko gusto si Donna."
"Sherwin, mali ako." Sambit nito at saka humiwalay sa akin. Tumitig sya sa mga mata ko. Malamlam ang mga mata ni Jasper.
"J-Jasper?" Utal kong sabi.
"Hindi ako nasaktan, dahil nagseselos ako sayo..." ani nito "... kung hindi dahil... mahal kita."
Nanlaki ang mga mata ko.
"Tawagin mo akong bakla, bading o ano! Basta mahal kita, Sherwin! Mahal na mahal!" Sigaw nito.
Ito ang kauna-unahang may nagsabi sa akin ng mga katagang yon. Tahimik ako sa gulat. Wala akong masabi. Kakaiba sya sa pakiramdam.
At nung oras na yon, naramdaman kong lumapat ang labi nya sa akin.
------------
[Mikko's POV]
By the time I reached the door, sinabi nung kaibigan nung taga-4B na nagdaan si Rury sa bintana. Agad naman akong sumunod. Malakas talaga toyo nung babaeng yun. Tumulay ako sa tubo, at nung makaabot ako sa bintana, nagulat ako nang makita kong bukas yun. Nung tumalon ako papasok, nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko.

YOU ARE READING
Code Name: Agent Red
Teen Fiction[End] One of the top teenage secret agent Rury de la Cruz A.K.A. Agent Red Queen was given a very important mission to save their country, and that is to go to an elite school AS A BOY where Saya Konohana, the daughter of the leader of the terrorist...