[Rury's POV]
Sakay ako ng ship nila Sean at Mae habang tinatahak kung nasaan ang mama ko. Walang may alam ng bagay nito liban kay Mae, Sean at Ice.
May isla sa Pacific Ocean kung saan nakatayo ang kuta ni Mr. Konohana at doon daw nakakulong ang mama ko. Pasensya na talaga, pero kung pamilya ko paguusapan, kahit impyerno pa yan, pupuntahan ko yan.
Alas kwatro ako umalis ng madaling araw at alas sais na ngayon. Nakafull speed ang ship na sinasakyan ko at ilang kilometro na lang, malapit na ako sa pupuntahan ko.
Natatanaw ko na nga dito, may isla na kulay puti at may malaking gusali doon na kulay puti. Pabilog yung gusali na yon.
Sinuot ko lahat ng pinasosoot sa akin ni Ice at Mae. Salamat sa kanila, alam ko na ang gagawin ko.
--
"Rury, ganito ang siste, susunod kami sayo kapag pinaliwanag na namin kay Director ang lahat, OK? So stay alive!" Sermon ni Mae.
"Nagsalita ang halos mamatay na sa mission," narinig naming side comment ni Sean.
"Che!"
"Ako, Rury, sawang-sawa na kakapahiram ng gears sayo tapos nasisira din naman, pero dahil kaibigan kita, edi sige, pahihiram ko sayo to!" Ani ni Ice. "Magdala ka ng maneuver gear, at etong armour suit na gawa sa titanium. Ginawa ng agency yung armour, pero kinalikot ko lang. Isuot mo din yung Hawk's claw na pinasuot ko sayo nung nakaraan. Tapos etong mga baril na to." Sabay bigay sa akin nung mga gears.
Kinabahan ako nung hawakan mo yung dalawang baril na binigay sa akin ni Ice. Iba ng itsura nun. Gray na pistol at may blue na liwanag.
"Wag kang magalala, hindi tao ang papatayin mo," ani ni Mae.
"Huh?"
"Tanda mo nung sinugod kami sa ship namin? I just happened to hack his own hacking gear." Si Sean.
Napakurap ako. Enedew?
"May white device syang kinabit sa system unit namin para mahack ang system nun. Nang magkagulo kami sa loob, nagawa ko mascan yung properties ng hacking system na yon. Ilang araw ko ding tinrabaho ang pagpasok sa system ng C.C. kaya naman, alam kong walang ibang taong trabahador si Mr. Konohana liban dun sa dumukot sa Papa at Mama mo, Rury."
"Si Saya? Alam mo ba nangyare sa kanya?"
"Hinde. Ang naview ko lang, yung mga models ng mga security robots ni Mr. Konohana. Pati na din yung ilang parte blueprint ng isla."
"Galing talaga ni Sean!" Nakangiti kong sabi.
"Dahil na din dun sa mga nakuha ni Sean, dinevelop ko yang mga baril na yan. Ang mga bullet na yan, radioactive. Matindi ang epekto ng wave sa mga robots at machines ni Mr. Konohana, pero Rury, mas matindi ang epekto nito sa tao. Kaya nitong gawing distorted ang parte na tatamaan nito. Maging responsable ka, ha?"
"Oo,"
"Rury, gamitin mo na din tong sonic roller skates ko," dagdag ni Ice. Mabilis ang lipad nito kaya may advanatage ka sa speed. Ingat lang dahil baka maubusan ka ng fuel. Magdala ka na lang ng extrang turbo"
"Salamat talaga, Ice."
"Sige na... lakad na"

BINABASA MO ANG
Code Name: Agent Red
Teen Fiction[End] One of the top teenage secret agent Rury de la Cruz A.K.A. Agent Red Queen was given a very important mission to save their country, and that is to go to an elite school AS A BOY where Saya Konohana, the daughter of the leader of the terrorist...