[Rury's POV]
"Palagi na lang ako ang iniiwan! Ako na lang ang palaging niloloko! Sawang-sawa na ako!!" Sigaw pa nito at saka inumang na ang katawan nya sa bintana, bumitaw sa pagkakahawak nya at tumalon.
Ako naman tong si tumakbo ng sobrang bilis at agad na hinablot ang parte ng katawan nyang maabutan ko pa. Nakahawak ako sa bintana habang nakahawak ako sa mga paa nung lalake.
"Ano ba?! Bitiwan mo ako!!" Sigaw nya sa akin.
"Baliw ka ba?!" Sigaw ko. "Badtrip ka pre! Ang bigat mo!" Inis kong sabi.
"Wala kang alam sa pinagdadaanan ko!!" Sigaw nya sa akin.
Punyatera, wala ka ring alam sa pinagdadaanan ko!! "Wala akong pakelam sa pinagdadaanan mo! Pero hindi solusyon ang magpakamatay ka, baliw!" Sigaw ko.
"Bitiwan mo na kasi ako!!" Sya.
Jusko. I hate dealing with hopeless people.
"Ano ba?!" Sigaw pa nya.
Walang ano-ano ay hinagis ko sya pabalik sa loob ng building. Nakakaloka tong si kuya ah. Sya na nga pinipigilang magpakamatay, sya pa galit.
"Ano bang problema mo?!" Sigaw nya sa akin habang hinihimas ang ulo nya.
"Eh ikaw? Ano bang problema mo, mongoloid ka?! Talagang binalak mo pang magpakamatay ha!" Inis kong sabi. Napagbuntunan ko sya ng init ng ulo ko.
"P-Pare, k-kasi.." Sabi nya at saka lumuha. "Niloko ako ni Donna! Lahat binigay ko sa kanya, pare! LAHAT! ULTIMONG KALULUWA KO! SINAMBA KO SYA NG BUONG BUO!" Sigaw pa nito.
Napaatras ako kay kuya. Grabe ha. Pang Oscar's Award ang emote nya.
"Pagkatapos lolokohin nya ako? Hindi ko to matatanggap! Magpapakamatay na ako!" Sigaw nya at saka tumakbo uli papuntang bintana pero hinablot ko sya at ibinato sa pader. Naiirita na ako.
"PARE! Para yun lang magpapakamatay ka na?! Ano ka abnormal?! Bakit hindi ka magmove on at iayos yang kokote mo kaysa sa tumalon talon ka dyan sa building?! Pag ako nainis mo, ako maghahagis sayo dyan sa building na yan eh!"
Lumuha ng sobra ang mga mata nya at umiyak. Yayks. Naloloka ako kay kuya.
"Pare, saan ba ako nagkamali?" Tanong pa nya at saka lumuhod at nagiiyak.
Kawawa naman si kuya. Oo naaawa na ako sa kanya ngayon. Lumuhod din ako at saka tinapik ang balikat nya. "Pre, isipin mo na lang na kaya to nangyare, kasi hindi talaga sya ang para sayo. Ayos lang yan. Wag ka ng malungkot. Yaan mo, tutulungan kitang pumorma sa mga chix." Pagchecheer up ko sa kanya.
"Talaga, pre?" Sabi nya at saka humarap sa akin. "Salamat pre!" At saka umakap sa akin. Naramdaman ko ang paginit ng buong mukha ko nang ginawa nya yon. YAAAH! Wag mo kong akapiiin!
Agad ko syang tinulak. "Ano ba, pre? Baka mapagkamalan tayong bakla nyan. Wag mo nga akong akapin." Sabi ko.
"Pasensya na, pre. Masaya lang talaga ako at tinulungan mo ako. Ako si Jasper Viri ng 4-B. Ikaw?"
"Sherwin Sandoval ng 4-A. Nice meeting you." Sabi ko.
"Pre, pasensya ka na kanina sakin ah. Talagang, nasaktan lang ako." Jasper.
"Ayos lang yon, pre. Wag kang mag-alala, tutulungan kita." Sabi ko.
Sabay kaming nag-lunch ni Jasper sa canteen matapos ng insidenteng yon. Medyo pinagbubulungan pa sya ng mga studyante pero hindi na lang namin pinansin.

YOU ARE READING
Code Name: Agent Red
Teen Fiction[End] One of the top teenage secret agent Rury de la Cruz A.K.A. Agent Red Queen was given a very important mission to save their country, and that is to go to an elite school AS A BOY where Saya Konohana, the daughter of the leader of the terrorist...