-----------------------
[Icer's POV]
Hindi ako magkandatuto kung paano ko icoconnect yung gear sa puno para saluhin si Rury na bumabagsak pababa ng lupa. Nang sa tantya ko, masasalo ko na sya, inakap ko sya at napasubosob kami sa damuhan.
"BALIW KANG TUPANG INA KA!" Sigaw ko sa kanya, pero nagulat ako nang makita kong malungkot ang mukha nya.
"Hindi ko naligtas si Saya," malungkot na sabi nya.
"Alam mo, ang kitid din ng utak mo eh! Ililigtas mo si Saya, eh ikaw nga yang di malaman kung paano mo ililigtas ang sarili mo. Paano kung hindi ako dumating para iligtas ka?!" Sabi ko.
"Kaya ako tumalon, dahil nakita kita. Hindi ako tatalon kung hindi kita nakita," sabi nya.
"Baliw," sabi ko.
"Rury!" Nakita ko si Agent Red King na papalapit sa amin. "Baliw ka talaga," sabi nito.
Napabuntong hininga si Rury. Sabay namin syang initayo ni Red King at saka umalis.
Nakaalalay ako kay Rury nang makarating kami sa gate ng school. Napaalis na yung mga nasa loob ng audi, salamat kay Ms. Seri at dun sa isang coach ng H.F., sila ang nagpalikas ng mga tao.
"It's a mission failed," bulong ni Red King.
"Yeah," sagot ko habang nakatingin papuntang gate ng school.
"Ano na ang mangyayare kay Saya?" Tanong ni Rury.
"Who knows?" Sabi ni Red King.
"Worse, hindi pa natin alam yung nasa loob nya," sabi ko.
"Oo nga," si Red King
"Hindi ko alam kung ano yun. Wala na tayong pagkakataon pa para alamin yun." Paliwanag ko.
"Let's be prepared for the worse," si Red King.
"Agree," pagsangayon ko.
-------
[Jasper's POV]
Lahat kami, pinalabas ng school at napilitang tumayo sa labas nito para ievacuate. May mga bumbero at pulis na rumesponde kaya nagkalat ang mga sasakyan na nagbibigay liwanag sa dilim. Maraming nagiiyakan at kung ano-ano pa. Eto ako ngayon at nakatayo kasama ng pinsan kong si ku-- ate Rustom. Buti na lang at ligtas sya, kasi hindi ko sya mahagilap kanina sa audi, may mga kausap daw sya.
"Jaspy... bakit ba pawis na pawis ka?" Sabi nito. Kahit na binabae sya, naka tuxedo pa din sya. Sya na kasi mismo nagsabi na masyado daw malaki ang muscles nya para maggown.
"M-may... hinahanap lang ako," balisang sabi ko.
Hindi ko pa nakikita si Sherwin sa paligid. Sana... ayos lang sya.
"Dito ka muna ah..." sabi ko sabay lakad papalapit sa gate. Pawisan ako at nanlalamig. Sana okay lang sya.
Nagulat ako nang bumukas uli yung gate, nakakita ako ng tatlong taong lumabas. Si Mikko yung isa, yung isa naman, yung batang kasama ni Sherwin at yung huli.. si Sherwin.
"Sherwin!!" Hindi ko maipaliwanag ang saya at ginhawa na naramdaman ko nang makita ko sya. Tumakbo ako agad papalapit sa kanya.
-------
[Rury's POV]
"Iwan ko muna kayo," sabi ni Ice sabay lakad papaalis nang tumakbo papunta sa amin si Jasper.

YOU ARE READING
Code Name: Agent Red
Teen Fiction[End] One of the top teenage secret agent Rury de la Cruz A.K.A. Agent Red Queen was given a very important mission to save their country, and that is to go to an elite school AS A BOY where Saya Konohana, the daughter of the leader of the terrorist...