Mission 6

5.1K 133 4
                                        

[Rury's POV]

"S-Sean?" Pabulong kong sabi nang makita ko sya. Bakit nandito tong unggoy na to?

Binigyan nya ako ng hand sign na tumigil ako sa pagsasalita tapos itinuro nya ang relo nya at tinuro yung banyo ng librabry sa likod. Ang ibig sabihin non, panigurado "Manahimik ka. Icheck mo yung message ng agency sa relo mo dun sa banyo." 

Agad naman akong nagpuntang banyo tapos binuksan yung relo ko at pinasok ko yung earphone sa relo ko at sa tenga ko. Kakausapin ko si Mae.

"Mae? Si Rury to." Ako

[Rury, nakita mo na ba si Sean? Pinasok na sya ng Agency dyan bilang part time librarian.] Mae

"Mae, akala ko ba dapat ako lang ang assest ng Agency di to? Bakit nyo pinadala si Sean?" 

[Nagalala kami ng todo nung sinabi mo sa report mo na muntik ka ng mapaaway, kaya pinadala namin dyan si Sean para tulungan ka kung sakaling mapaaway ka uli, matutulungan ka nya.]

"Ahh. Eh bakit kailangang si Sean pa? Alam nyo namang nahihirapan akong pakisamahan tong si Sean sa brutal nyang ugali."

[Lalong ayoko no! Mas mataas ang ranggo ko kay Sean kaya ako dapat ang sundin nya.]

"Bahala ka pag nambabae tong si Sean mo. Haha. Welp, don't you worry dahil irereport ko sayo pag may kasama syang ibang babae."

[H-Ha?! San mo naman nakuha yan?! Wala akong pakelam kung mambabae yang si Sean no! A-As if namang may papatol dyan sa posporo palito na yan! Ang panget nya kaya!]

"Pangit daw, eh mahal mo naman." Pangiinis ko.

[SHADDAP!] 

Natawa ako. "Oo na, sige na. Bye bye na!"

[Rury ikaw ta--] Hindi ko na sya pinatapos at binabaan ko na sya dahil alam kong sesermonan lang nya ako.

Matagal ko na kasing alam na may gusto si Mae kay Sean kaya madalas ko syang iniinis. Yun nga lang, hindi maiexpress ni Mae yon dahil alam nyo naman ang ugali ni Seantot bantot. Grumpy na hindi mo maintindihan.

Nang makalabas ako ng banyo, balak ko na sanang iparegister yung mga librong kukunin ko pero nakita kong wala si Sean doon. Hinanap sya ng mata ko at nakita kong nasa tabi sya ng isang book shelf habang nakatingala at may kasamang isang babae. Napatingala din ako at nakita ko si Mai na nakatayo sa isang scafolding at kumukuha ng libro. Pero sa porma ni Mai, mukhang mahuhulog sya.

"Mai, bumaba ka na dyan." Sabi nung babaeng katabi ni Sean.

"H-Hindi, kaya ko." Sabi ni Mai at saka pinilit na bumaba dala yung mga libro. Ang kaso, dumulas sya at nalaglag. Yung scafolding naman, biglang naout of balance at babagsak papunta dun sa katabi ni Sean.

Agad akong napatakbo papunta dun sa babaeng babagsakan ng scafolding at tumalon papunta sa kanya para maiwasan namin yung pagbagsak. Alam kong si Sean na ang bahala kay Mai kaya yung babae na lang ang niligtas ko. 

"A-Ayos ka lang, miss?" Tanong ko dun sa babae habang nakapaibabaw sa kanya. Ugh! Hindi ako lesbiana ah! Mabuti na yong nagkakalinawan tayo.

Pero si ate,nakatitig sa akin na parang hindi sya makapaniwala. Ate, pssssst.

Liningon ko si Sean at nakita kong buhat-buhat nya si Mai na parang prinsesa. Wahaw. Ang panget nyang prinsipe pag nagkataon. De joke. Haha. May itsura naman si Sean, nakakairita lang.

Code Name: Agent RedWhere stories live. Discover now