[Rury's POV]
Binisita ko muna ang papa at lola ko sa ospital bago sumapit ang alas dos ng madaling araw ng Sabado. Magsisimula na kasi ang mission namin, matapos ang sandamakmak na training. Sa totoo lang kasi, may operasyon uli na magaganap kay Papa mamayang alas tres ng amdaling araw, kaya naman gusto ko syang tingnan muna sandali.
Medyo nakakahinga na ako ng maluwag, dahil habang tumagal bumubuti na ang lagay nilang dalawa. Sabi din ng doctor eto na ang huling operasyon ni Papa kaya naman umaasa ako na gagaling na sya ng tuluyan matapos nito.
Kaya mo yan, Papa!
Matapos non, lumabas na ako ng ospital at saka sumakay sa van kung saan hinihintay ako nila Mae, Sean at Ice. Dederetso na kami sa agency para sumakay sa isang aereal vehicle na magdadala sa amin kung nasaan ang Saturn- X05.
"Wala ng atrasan to." Sabi ni Ice nang makasakay kami sa isang maliit na parang jet.
"Kaya nating lahat to!" Sabi ko at saka kami lumipad papaalis.
Mabilis yung jet na sinakyan namin, kaya thirty minutes lang ang nakalipas, narating na namin ang industries ng G.C.
"Tandaan nyo, lilipad ang Saturn X05 papunta sa isang isolated na isla sa Japan, kaya sa oras na makakuha kayo ng sample ng materials, sabihan nyo agad kami para masasalo namin kayo. Malaki ang karagatang babagsakan nyo pag hindi namin kayo nasalo." Babala ni Mae.
"Papasok kayo sa loob ng dome na yon. Nandoon ang S-X05. Gamitin nyo yung gadgets na binigay sa inyo para macontrol namin yung CCTV's. Magiingat kayo." Si Sean.
"Oo." Sabay naming sabi ni Ice.
-------------------------
[Icer's POV]
Sabay kaming pumasok ni Rury sa dome, at gulat na gulat kami nang makita namin yung pinaka aerial vehicle na gagamitin dahil sa sobrang laki nito. Mas malaki pa ito sa inaasahan ko. Mahirap pala talagang pasukin ang pinaka looban nito. Bwiset.
Kasalukuyang nagpapasok ng mga eliminating robots ang mga tao sa loob ng rings ng Saturn, kaya naman nakabukas pa ang mga pintuan nito papunta ng mga rings. Nang makahanap kami ng chempo ni Rury, naghiwalay na kami at saka pinasok yung magkabilang dulo ng rings ng Saturn. Gaya ng plano, ako ang sa kaliwa at sya sa kanan.
Nang makaabot ako sa loob, agad akong nagtago. Nagaalala kasi ako na may tao pa sa loob kaya nagtago muna ako.
[Ice, nasa loob na ako. Nakapagtago na ako. Mukhang hindi pa naman active yung robots.] Si Rury.
[Agent White Snake, buksan mo yung radar para madetect namin kung anong conrol room yang pinasok mo.] Si Agent Baboon.
"Sige." Sabi ko at saka ko binuksan ang radar na binigay nila sa akin. Tae, hindi pa nagsisimula yung pinaka mission, kinakabahan na ako. Malagkit na ako sa pawis.
[White Snake, nasa pangalawang control room ka. Sakop nyang ang pathways na mula 11-20. Ikaw na ang bahala mamaya.] Si Black Wings.
"Got it." Sagot ko at saka matayagang naghintay sa pag take-off ng Saturn.
Ilang minuto pa ng paghihintay, nakaramdam na ako ng pagyanig sa kinatatayuan ko. Kumikilos na ang Saturn.
[White Snake, nagtake-off na ang Saturn! Nagsimula na ba ang count down?!] Si Baboon.
"Teka!" Sabi ko at saka ako umalis ng pinagtataguan ko para puntahan yung pinaka controls ng kwarto.
[Ingat sa CCTV!] Si Black Wings.

YOU ARE READING
Code Name: Agent Red
Teen Fiction[End] One of the top teenage secret agent Rury de la Cruz A.K.A. Agent Red Queen was given a very important mission to save their country, and that is to go to an elite school AS A BOY where Saya Konohana, the daughter of the leader of the terrorist...