Mission 56

2.2K 73 6
                                    

[Jasper's POV]

Nang makaabot uli ako dun, nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko.

Si Mikko, nakatayo sa harap ng nakahandusay na si Ice. 

At si Rury, naka higa sa sahig habang nakapaibabaw sa kanya yung epal na babaing yun at may nakatutok na sibat sa mukha nya.

Nawala ako sa sarili ko. Agad kong tinutok yung baril dun sa babae at pinaputukan sya. Dumaplis lang sa likuran nya yung bala, pero nagdulot yun ng pagsabog nung tumama yun sa pader, dahil hindi namang ordinaryong bala lang ang nasa loob ng baril na kinuha ko mula kay Eden. Napaalis sya sa pagkakaupo kay Rury.

----

[Rury's POV]

J-Jasper? 

Di ako makapaniwala habang nakatingin kay Jasper na nakatayo habang nakatutok ang baril kay Kharone.

"Bakit ka bumalik?!" Sigaw ko.

"Hindi kita iiwan!!" Sigaw nito.

"Nasisiraan ka na!" Sigaw ni Ice.

"Bwisit ka!" Narinig kong sigaw ni Kharone habang tumatayo sya, "Mikko, tapusin mo na yang lalaki na yan!"

Walang salitang binitawan si Mikko, pero naglakad sya papunta kay Jasper. Hinawakan ni Ice ang paa nya, pero sinipa lang nya si Ice.

"Jasper, takbo na!! Takbo na!" Sigaw ko, pero biglang hinawakan ni Kharone ang buhok ko at inangat ako.

"Panoorin mo, panoorin mo kung paano patayin ng prinsipe ko ang payaso mo." 

"Mikko! Mikko!" Sigaw ni Jasper, hindi sya tumakbo.

"Jasper, takbo na!" Nanghihinang sabi ko.


"Mikko, pare! A-Ano bang nangyayare sayo?!" Sigaw nya na nauutal pa, "...di ba sabi mo proprotektahan mo si Rury?! Tumigil ka n--" pero di na sya nakatapos nang sikmuraan sya ni Mikko. Babagsak na sana sya lupa, pero bago pa sya bumagsak, sinipa sya ni Mikko pakanan. Tumilapon agad si Jasper at tumama kay Ice na nagtatangkang bumangon.

"Ice! Jasper!!" Sigaw ko pero di ako makaalis dahil kay Kharone.

Agad na kinuha ni Mikko si Jasper gamit ang paghawak nya sa leeg nito. Inangat nya si Jasper. Si Ice naman, hinawakan nya si Mikko sa paa pero sinipa uli sya ni Mikko. Sa oras na yon, hindi na gumalaw si Ice.

"Tama naaa!!" Sigaw ko.

"Mikko... akk..." nanghihinang sabi ni Jasper, "di baling... saktan mo ko... pagsinaktan mo si Rury.... di kita mapapatawad... pati nyang syota mong mukhang cyclops."

Nakita kong naningkit ang mga mata ni Kharone nang sinabi ni Jasper yun.

"Mikko, blow his guts." Galit na sabi ni Kharone.

Itinutok ni Mikko ang baril nya sa tyan ni Jasper at ilang segundo pa... bago pa ako makasigaw... may sumabog sa bandang tyan ni Jasper. Nakita kong naglabasan ang dugo mula sa bibig nya. Agad syang binitawan ni Mikko.

Kasunod nun ay ang pagtawa ni Kharone. 

Para bang nabingi ang buong pagkatao ko.

Hindi ko na alam, hindi na ako makapagisip. Wala na kong maramdaman ngayon... kung hindi... galit. Unti-unting nagiging pula na may halong dilim ang paningin ko.

Ganito ba ang pakiramdam... kapag kinakain ka ng galit?


Para kang hinihila... hinihila sa kung saan.. at para bang may gustong kumontrol ng buong pagkatao mo...

Code Name: Agent RedWhere stories live. Discover now