Mission 8

4.7K 131 5
                                        

-----------------------------------------------------------------

[Rury's POV]

Nakita ko agad-agad yung party na nagaganap sa kabilang side ng hotel pagkapasok na pagkapasok ko doon. Antaruy ng party. Daming pagkain.

"Nakapasok na ako." Bulong ko sa maliit na microphone na nakakabit sa jacket ko.

[Nakita mo na ba yung party, Red Queen?] Sean.

"Oo. Sean, hindi ba nagpapasok sa party ng mga commoners?" Tanong ko

[Hinde.]

Wow. Bakit hindi nyo pa kanina sa akin sinabe? Ang hanep nyo rin eh.

"Alam mo ba kung saan ang cooking area na pinagmumulan ng pagkain na diandala sa party?" Tanong ko.

[Sandali.] Sabi nya tapos tumigil sya ng ilang segundo. [Dun sa second floor. May malaking silver na pinto.]

"Good." Sabi ko at saka natural na naglakad papuntang second floor.

Nang marating ko yung second floor at nakita ko yung malaking silver na pinto, nagtago agad ako sa ilalim ng isang lamesa na may vase malapit sa dito. Nang may makita akong waiter na may dalang malaking hotel cart na papasok sa loob, agad akong gumulong papasok ng cart nya at nang makapasok sya sa loob, gumulong agad ako papunta sa ilalim ng isang lamesa malapit sa akin, bago pa nya mapansing bumigat yung cart nyang dala. 

Mula sa ilalim ng lamesa, rinig na rinig ko yung baklang head chef na nanenermon sa mga chef na nagluluto. 

"Ano bang klaseng luto to?! Ayusin mo! Wag masyadong maraming asin! Gusto mo bang magkasakit sa bato yung kakain nyan?!" Galit nitong sigaw. Like seriously, kulob yung kitchen tapos sumisigaw sya ng ganon. Umaalingawngaw.

Binalewala ko na lang yung ingay at minatyagan ko yung ibang mga chef kung saan sila nagpapalit ng damit. May nakita akong locker na pinaglalagyan ng damit nila sa kabilang kwarto pa. Naloko na. Mahihirapan akong makapasok doon. Lalo na at nagaalburoto yung head chef nila.

Pero nabuhayan ako nang may nakita akong gamit na uniform na nilapag dun sa lamesang katabi ko lang. Maingat kong inabot ang mga yon at saka pinagpilitang isinuson isa-isa doon sa ilalim ng lamesa. Since busy si head chef na magconcert ng sermon nya, at busy rin yung mga chef sa pagluluto nila, hindi nila ako napansin. Nang maisuot ko na ito, tumayo na ako mula sa ilalim ng lamesa.

"Wag kangang tutunga-tunganga dyan! Dalhin mo dun sa baba!" May narinig akong sigaw tapos may cart na itinulak sa akin.

"P-Po?" Sabi ko.

"Dalhin mo na to dun sa baba! Hindi ka binabarayan para tumanga!" Sigaw nung beking head chef sa akin.

Letsugas. Hindi ka rin binabarayan dito para magconcert ng sermon mo. At manahimik ka dahil hindi ikaw nagbabayad ng sahod ko! 

"Opo!" Sabi ko at saka dali-daling dinala yung cart papuntang ground floor.

Kakaloka yung vaklushing head chef na yun ah. Salaksakin ko sya ng bread knife. Oh well, mabuti na rin yun at may dahilan ako para maka baba. Huminto ako saglit at nilagay yung patch na binigay sa akin ni Sean dun sa ballpen ko. Alam ko na ang gagawin ko para makakuha ng finger print nya.

Nang makarating ako ng party, lumibot agad ang mga mata ko. Nakita ko yung target ko na nakikipaginuman ng wine kasama yung mga magagandang babae.

"Taget found." Bulong ko.

Code Name: Agent RedWhere stories live. Discover now