Mission 20

4.3K 104 5
                                    

[Mae's POV] 

[Here's your black coffee, Agent Black Wings.] Sabi ng robot nunny naming si Lali habang may hawak syang tray na kung saan nakalagay yung kape na hiningi ko.

"Thanks." Sabi ko at saka ko kinuha yung kape ko.

[Anything else?] Tanong pa ni Lali.

"None. You may go." Sabi ko at saka umalis na sya.

Matapos ang ilang araw simula nung nangyare yung insidente kay Red Empress, unti-unti na kaming nakakalimot at nakakabangon. Napagalaman kasi naming nacorrupt yung mga mini nunny robots namin sa agency, pati na rin yung ilang mga programs na ginagamit namin kaya kaming mga intelligence agents ang umayos non for 2 days. No sleep. No rest. 

"Mae, wag mo sabihing magoover time ka na naman?" Nagulat ako nang binulaga ako ni Akie sa likuran ko habang ako naman, nakaharap sa unit ko.

"Oo." Tipid kong sagot.

"Mae naman, mas malalim pa sa balon yang eyebags mo eh. Magpahinga ka na."

"Akie, ayos lang ako. Now, would you please leave so I can finish my job?" Irita kong sabi sa kanya.

Napanguso sya bago nagsalita. "Sige." Sabi nya tapos nagiwan pa sya ng isang pack ng biscuit sa akin. "Kainin mo yan pag nagutom ka, ha? Mauna na ako." Sabi nya at saka umalis.

Nagulat ako sa inasal ni Akie na yon sa akin. Hyper kasi syang tao, palabiro, makulit at saksakan ng pasaway. Madalas din nya akong alaskahin pag nakikita nya ako, pero nakakagulat ang inasal nya sa akin ngayon.

Ewan.

Napatingin ako sa orasan matapos ang ilang minuto ng pag gawa ng mga reasearch papers ko. It's already 8am at palagay ko, kaya ko pang tumagal ng hanggang 1 dito sa computer laboratory para magtrabaho.

[Agent Black Wings, you have a message!] Nagulat ako nang puntahan ako ni Lala; yung isa pa naming nunny robot.

"From whom?" Kunot noo kong tanong.

[Agent Red Queen.]

"Read it please." Sabi ko.

[Mae! Nasabi mo na ba yung pagkakabuko sa akin kay director? Kung nasabi mo na, anong sabi ni director? Nagalit ba sya? By the way, may date kami ni Saya bukas at kailangan ko ng plan para sa date namin. May alam ba kayong sinehan dito? Kapag meron sabihin nyo sa akin. Kailangan ko rin ng iba pang options pagkatapos naming manuod ng sine. Thanks!] Pagbabasa ni Lala sa message ni Rury.

Napasapo ako sa noo ko. Hindi ko kayang isingit ang paghahanap ng lugar na pwedeng paggalaan ni Rury at nung target nya ngayon. Ugh. Ipapasa ko na lang kay Sean tong pinapahanap ni Rury, pagdating nya mamaya. Isa pa, konti lang naman ang ginagawa nya eh, kaya dapat lang na tulungan nya ako.

Kinuha ko yung phone ko na hawak ni Lala at nagreply kay Rury.

[Nasabi ko na kay director at Ms. Seri, mukhang medyo nadisappoint si Maam Seri pero si Director, kalmado lang. Magiingat ka na lang daw sabi ni Ms. Seri. Si Director naman, mukhang kompyansang tutupad si Agent Red King sa usapan nyo. Pero mag doble ingat ka daw. Regards sa places na paggagalaan nyo, kay Sean ko na lang ipapasa yung task. Marami pa akong ginagawa eh.]

Wala pang ilang minuto, nagreply agad si Rury.

[Mae, speaking of Sean, alam mo bang may babaeng palaging kausap yan sa library? Kaklase ko yung babae, at sya yung student assistant ng library. Mukhang nagkakapalagayan na sila ng loob. Hala ka, Mae!]

Code Name: Agent RedWhere stories live. Discover now