Mission 51

2.3K 79 15
                                        

[Rury's POV]

Tulala akong pinagmamasdan yung mga galamay na gawa sa bakal ng bago kong kalaban. Matatalim na kung ano-ano ang mga nasa dulo non. Hindi ko alam kung paano gumagana ang mga nasa dulo ng mga galamay nya sa likuran, pero alam kong pag may mali akong galaw, mamamatay ako.

Kanina ko pa sya sinubukang barilin, pero walang nangyare. Yung bala ko, hinahampas ng mga galamay nya, malamang sa ibang materiyales yun gawa.

Naglalakad ako paatras habang nakatingin sa kanya. Ano mang oras, alam kong tapos ako.

At nang mapansin kong may pagbabago sa galaw ng isa sa mga galamay nya, humarurot na ako paalis gamit yung skates na binigay sa akin ni Ice.

I'm so dead meat.


----------


[Icer's POV]

Halos lahat kami, nagkukumahog kung paanong paghahanda ang gagawin namin sa pagsugod dun sa dome nung geek na Konohana na yun. Lusot sa korte ang kahangusan ni Rury. Tutulong ang buong Blue Dogs para sa kanya. Ang galing. Lakas ni Rury kay Director.

"Padating na daw si Agent Red King," sabi ni agent Black Wings sakin.

Halos minuto lang yata ang nakakaraan nang makatanggap ako ng tawag kay Agent Red King, sinasabi nyang susugod daw sya dun para leksyunan si Rury... pero alam kong tutulungan nya yung hangos na babaeng yun. Salamat dun sa lalaking sing kulit ng lahi ng ewan na may gusto kay Rury na talagang sinugod si Agent Red King para lang manghingi ng tulong. Sabi ko naman sa kanya na tutulong kami eh. Saksakan ng kulit.

Nagempake kami at nagkasa ng kung ano anong mga bala sa mga baril. Kailangan maging malinis ang rescue mission namin, kung hindi... tapos na ang Blue Dogs.

"Oy," napatingin kaming lahat kay agent Baboon na kasama si agent Red King at yung lalaking makulit nang makapasok sila ng lugar namin.

"Mga anong oras kayo aalis?" Si Agent Red King.

"Victory loves preparation. Mamaya pa." Ako

"Una na ko," sabi nya.

"Alam na ba ng agency nyo?" Tanong ko.

"They're planning to join you. Kausap na ng Director namin ang Director nyo." Sagot nya.

"Joining force, huh?" Si agent Baboon.

"Bakit mo nga pala bitbit yan?" Tanong ko kay Agent Red King habang nakatingin dun sa lalaking makulit.

"Gustong sumama," sagot nya.

"Magpapakamatay ka yata," sabi ko dun sa lalaking makulit.

"Basta gusto kong tulungan si Rury!" Mapilit na sagot nito.

"Wag mo sabihing susugod ka dun ng bitbit yan?" Tanong ko kay agent Red King.

"Ipapain ko sa pating," sagot nito.

"HOY SABI MO TUTULUNGAN NATIN SI RURY?!" Angal naman nung lalaking makulit.

"Itigil nyo na yan. Umuwi ka na sa inyo," si Sean.

"Tutulungan ko nga sabi si Rury!" Pilit nito.

"Ako sawang-sawa na ko sa kakulitan mo." Banat ko.

"Kahit maghapon pa tayo dito, sasama ako! Gusto kong makitang ligtas si Rury," kitang kita sa mga mata nya na kahit barilin namin sya dun mismo, sasama at sasama sya sa amin.

Code Name: Agent RedWhere stories live. Discover now