Mission 57

2.4K 75 4
                                        


[Rury's POV]

Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko syang naglalakad papunta sa akin. Hindi na sya tulad ng kanina.... may buhay na ang mga mata nya.

"M-Mikko?"

"Bubuhatin kita, mas mabilis ang turbo na nasa paa ko," sabi nya at saka lumapit sa akin.

"A-Ayos ka na?"

"Yeah, thanks to your pounding," sabi nya at saka huminga ng malalim, "kung hindi mo ko siguro binugbog... hindi ako makakawala don sa kung ano man ang nangyare sakin kanina."

I felt the guilt conquering me. Nagdiininan ang mga kamao ko dahil sa galit at inis sa sarili ko. Nasaktan ko sya. Iba-ibahin man natin ang sitwasyon... sinaktan ko sya.

----------------------------------

[Mikko's POV]

I saw her head going down in front of me. 

"Sorry," sabi nya.

"Bakit?"

"Sinaktan kita," sabi nya.

"You did good, kung hindi mo ko sinaktan, ni hindi ako makakapagbigay ng sensyales na nakokontrol pala ako."

"Pero hindi dapat kita sinasaktan! Dapat pinoprotektahan kita eh!" Halatang naiinis sya sa sarili nya.

"Cut it out, seriously," sabi ko sabay buhat sa kanya at saka ako lumipad ng mabilis papasok ng building.

"M-Mikko!!"

"Kung iniisip mong may kasalanan ka, bahala ka. Basta't sa paningin ko, wala kang ginagawang mali."

Naramdaman kong kumapit sya sa dibdib ko.

"Salamat..."

"Don't mention it,"

"Babawi ako," sabi nya.

"Alam mo kung paano? Alisin mo yang bomba sa dibdib mo at pilitin mong buhayin ang sarili mo," sabi ko.

"Sige," nakangiti nyang sabi.

Pero di pa kami nakakaabot ng control room, may tumilapon na agad na tao sa harapan namin. Agad na tumalon si Rury sa pagkakabuhat ko sa kanya at saka ko sinalo yung tumilapon sa amin. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko kung sino yun...

"C-Coach Vodka?!"

"M-Mikko?" Nanghihina nyang sabi.

"B-Bakit--"

"Kunin mo na sila Seri at director at saka umalis na kayo dito. Hwag na hwag nyong tangkain labanan yung nasa loob!" 

"Ano bang meron sa loob?!" Tanong ko.

"Ang ultimate weapon.... si Saya Konohana..."

At nang mga oras na yon, may lumabas sa loob ng control room. Napakalaki noon, at gawa sa metal. May mga galamay ito sa likod at yung mga kamay nito ay parang mahabang mahabang espada. Gawa sa bakal ang mga paa nito. Masyadong malaki... pero ang nakatawag ng attention ko... kung sino ang nasagitna ng malaking robot na yun... si Saya.

"Si...si Saya," bulol na sabi ni Rury.

Nang papuntukan kami ni Saya, agad kaming tumakbo ni Rury sa magkabilang direksyon. Naloko na! Pinageksperimentuhan pala sya ng papa nya... kaya pala... kaya pala...


ang dami nyang hindi sinasabi sa akin!

-----

Code Name: Agent RedWhere stories live. Discover now