[Rury's POV]
"Anong ibig sabihin nito?" Napakseryosong tanong sa akin ni Mikko habang hawak-hawak nya yung bra ko. Nakakatakot ang tingin nya sa akin. Nanlilisik ang mga mata nya at sa tono ng boses nya, para bang binibigyan nya ako ng death threat.
Ang kaso, hindi ko alam kung saan ako magrereact! DUN BA SA POINT NA MAHUHULI NA NYA AKO, O DAHIL HAWAK NYA ANG BRA KO?! SAAN!! NAKAKAHIYAA! Gusto kong matitili!
Huminga ako ng malalim at kinalma ang sarili ko. Hindi ito ang tamang oras para magtatarang ako dahil hawak ng bakulaw na to ang bra ko.
"Kung hindi mo ipapaliwanag sa akin ngayon to, hindi ako magdadalawang isip na sabihin ko to sa Student Council." Sabi nya tapos pinakita nya yung phone nya.
"Tumahimik ka, agent Red King!" Seryoso kong sabi sa kanya.
Bakas ang gulat sa mukha nyang nang sinabi ko yon.
"Kung magsasalita ka sa iba, sasabihin ko rin kung sino ka. Sasabihin ko rin na may secret agent din na nandito para sa isang mission." Seryoso kong sabi.
"Sino ka ba talaga?" Seryosong tanong nya.
Huminga ako ng malalim. Inalis ang wig ko, at hinayaang bumagsak ang buhok ko. Inayos ko na rin ang settings ng boses ko para bumalik ito sa dati kong boses. Ang boses ni Rury.
"I-Ikaw?" Gulat nyang sabi.
"Oo." Tipid kong sagot.
"Lalake ka pala?" Walang kaabog-abog nyang sabi.
"WALANGYA KA SINO SINASABIHAN MO NG LALAKE?! KITA MO NAMANG HAWAK MO YANG ANO KO EH! AKIN NA NGA YAN!" Sabi ko at saka sya sinugod para kunin yung bra ko.
Nang hinablot ko mula sa kanya yung bra ko, agad ko yong sinuksok sa maleta ko. Ramdam na ramdam ko ang paginit ng magkabilang pisngi ko sa hiya.
"Hoy." Sabi nito "Kailangan nating magusap."
"Eh kung ayo--" Hindi pa ako nakakatapos ng sasabihin pero agad nyang hiniklat yung braso ko at hinila ako pababa ng kama nya.
"Ano ba?! Babangasin ko mukha mo pag hindi mo ko binitawan!" Inis kong sabi sa kanya.
"May pinagsabihan ka na ba tungkol sa tunay kong pagkatao dito?" Seryosong sabi nya sa akin.
"Ha?! Wala nga akong pakelam sayo eh, sa pagkatao mo pa kaya?! EW!" Inis ko sagot.
"Good." Sabi nya sabay buntong hininga. "Ngayon, magkasundo tayo. Hindi ko ipagsasabi ang tungkol sayo at dun tungkol sa librarian ng school na to, at hindi mo din ipagsasabi ang tungkol sa akin."
"Librarian?!" Gulat kong tanong. Wag mo sabihing--
"Kasabwat mo yung lalaking librarian dito, hindi ba? Kung itatahimik mo ang bibig mo, walang makakaalam ng sikreto nyong dalawa."
"P-Papaano mo nalaman ang tungkol sa kanya?!"
"Nakita kita kanina na kausap sya at may binigay sya sayo. Hindi ako sigurado kung mga pictures o kung ano mang uri ng papel ang binigay nya sayo, pero narinig kong tinawag ka nyang 'Queen' kaya nang marinig ko yon, nagmadali akong pumunta dito para unahan ka at imbestigahan kung sino ka talaga. Sakto namang nakita ko yung--"
"OO NA KUHA KO NA! WAG MO NANG ITULOY!" Panghaharang ko agad bago pa nya matapos yung sasabihin nya. Ayoko ng marinig na nakita nya yung bra ko na nakalawit sa maleta ko. Siguro sa sobrang pagmamadali ko kanina, hindi ko na yun namalayan na lumawit pala.

YOU ARE READING
Code Name: Agent Red
Teen Fiction[End] One of the top teenage secret agent Rury de la Cruz A.K.A. Agent Red Queen was given a very important mission to save their country, and that is to go to an elite school AS A BOY where Saya Konohana, the daughter of the leader of the terrorist...