[Rury's POV]
Hindi ko alam kung ano nangyare matapos lumayas si Mikko ng kwarto namin, pero paggising ko, wala pa din sya. K.
Malata akong naglibot sa buong school namin matapos non. Hinahanap ko si Saya para mapormahan, pero hindi ko sya nakita. Ang swerte swerte ko naman talaga!
Hanggang sa mapunta ako sa bandang likuran ng school. Nakwestyon ko ang sarili ko kung bakit ako nagawi doon, kaya nagbalak na din akong umalis, pero nakarinig ako ng hikbi. Hikbi ng isang babae.
Sumilip ako sa pader, at nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko. Saya's crying.. on Mikko's chest.
So, dito pala sya nagpunta? Okay.
Napalinga na lang ako at umalis. Hindi ko maintindihan to. Ang gulo naman. Pero ewan ko ba kung bakit biglang nawalan ako ng gana. Wag nyo kong tanungin kung ano to, yung author na lang. Leche.
Pabalik na sana ako ng kwarto ko nang biglang may narinig akong tumatakbo sa likuran ko, nang lingunin ko, si Jasper. Naramdaman kong medyo nagulat at lumakas ang tibok ng puso ko.
"Sherwin!" Sigaw nito.
"J-Jasper,"
"Sherwin, kung ano man ang nangyare kagabi, patawarin mo ko! Hindi ko sinasadyang... gawin yun. Alam kong nasira ko ang dignidad mo bilang lalake, kaya... sige.. sapakin mo ko!" Sabi nito.
Nagkunot ako ng noo,"kasasapak lang ni Mikkko sayo kagabi, brad."
Nanlaki ang mata nya, "oo nga pala" narinig kong bulong nya.
"Jasper," tawag ko.
"Ako muna, Sherwin," natigilan ako nang seryoso nyang sabihin ito.
"Humihingi ako ng tawad, dahil hinalikan kita. Pero lahat ng sinabi ko sayo kagabi, totoo. Totoong totoo. Hindi kita niloloko. Wala akong pakelam kung sabihin nilang bakla ako o ano, pero totoo... mahal kita." Nakikita ko sa mga mata nyang seryoso sya.
Natulala ako at napasinghap.
"Sherwin, alam ko ang sagot mo, at tinatanggap ko yon. Alam kong gusto mo si Saya, pero gusto ko lang na malaman mo... ang nararamdaman ko," may sakit sa mga mata ni Jasper nung sinabi nya yun sa akin.
Hindi ako makasagot. Unang beses pa lang na may nagsabi sa akin nito.
"Ang gusto ko lang talaga, malaman mo ang nararamdaman ko."
Tumango ako.
-------
[Jasper's POV]
Hindi sumagot si Sherwin, tumango lang sya.
Sabi ko na, ganito ang mangyayare, pero handa naman ako. Sino bang niloloko ko? Lalaki kaming parehas, kaming lalaki kaya imposibleng magustuhan nya ako.
Nginitian ko sya, pilit na ngiti iyon, at saka ako naglakad papaalis ng nakayuko. May side sa sarili kong nagsasabi na sana pigilan nya ako at sabihing mahal nya din ako, pero inalis ko yun. Imposible. Isa pa, gusto nya si Saya. Ano bang iniisip ko? Bakit ba ang tanga-tanga ko?! Dun pa ako sa kapwa ko lalaki nagkagusto, at isa pa, best friend ko sya.
Ang tanga mo, Jasper.
Pagdating ko sa kwarto ko, puro kanchaw ang inabot ko kila Lester. Nasabi ko na kasi sa kanilang mahal ko si Sherwin kanina, at syempre.. nagulat sila nung una, pero naintindihan naman nila ako kalaunan. Yun nga lang, sandamakmak na kanchaw inabot ko.
"Jas, alam mo... tutulungan ka naman namin. Wag ka na ngang lumugmok dyan," si Kim.
"Naiinis ako sa katangahan ko," sabi ko.

YOU ARE READING
Code Name: Agent Red
Teen Fiction[End] One of the top teenage secret agent Rury de la Cruz A.K.A. Agent Red Queen was given a very important mission to save their country, and that is to go to an elite school AS A BOY where Saya Konohana, the daughter of the leader of the terrorist...