Mission 2

5.9K 159 8
                                        

[Rury's POV]

Lahat na ata ng santo natawag ko habang nakatingin ako sa kanya na naglalakad papunta sa akin. Jusmiyo utang na loob, wag kang lalapit sa akin! Shu! 

Huminga sya ng malalim. "Hoy." Tawag nya.

"O..Oh?" Ako

"Wag mong apakan ang mga gamit ko." Sabi nya at napatingin ako sa baba. Agad kong inalis ang mga paa ko sa mga papel na nagkalat sa sahig.

P-Papaano ba ako magrereact? DAPAT LALAKE!

"P-Pare, wag mo kasing ikakalat yang mga gamit mo sa sahig." Sabi ko ng may angas.

"Nakaayos naman yan. Nabunggo kasi ng malaki mong bag, kaya kumalat. Tapos inapakan mo pa." Irita nyang sabi.

Barado ka Rury. Barado.

I cleared my throat. "Dapat kasi hindi mo sa sahig nilalapag."

"Gusto ko sa sahig. At saka ang alam ko, ako lang mag-isa sa kwarto na to." Iritang sabi nya.

"Hindi na ngayon, pre. Dito na ako, kaya iayos mo yang gamit mo bago kita bigwasan." Sabi ko. Ang galing-galing ko talaga! Babawi ako!

"Talaga?" Sabi nya tapos naglakad pa ng papalapit sa akin. Automatic naman na umatras ang mga paa ko dahil natatakot akong magdikit ang mga dibdib namin. 

"P-Pre, ano ba?" Sabi ko.

Hindi sya kumikibo pero nakakunot ang noo nyang nakatingin sa akin habang naglalakad. Ano ba?! 

Nang wala na akong aatrasan at pader na ang nasandalan ko. Nagsimula ng magpanic ang buong pagkatao ko. Yayks! Lumayo ka sa akin! Shoo! Shooooo!!

"Oh! Nandito ka na pala, Sherwin!" Narinig kong may nagsalita sa pintuan. Yung adviser namin. Si Maam Cortez. 

Agad na lumayo sa akin yung lalake tapos humarap kami kay Maam.

"Mikko, sya ang bago mong karoom mate. Si Sherwin Sandoval." Maam.

"Opo." Yung lalake.

"Sherwin, sya ang room mate mo. Si Mikko Santos. Mukha namang nagkakasundo kayong dalawa eh? Tama ba?"

Hindi po. Gagahasain nya po ako kanina, maam. "O-Opo."

"Sige, maiwan ko na kayo." Sabi ni Maam at sinara yung pinto.

Narinig kong nagbuntong hininga ang loko. Mikko pala ang pangalan ng rapist na to. Haha. Makarapist eh.

"Ayusin mo yang gamit kong ikinalat mo at ayusin mo yang gamit mo." Sabi nya at saka naglakad papaalis. Ang tigas ng baga na utusan ako ah.

"San ka pupunta?" Ako

"Magshoshower uli." Maikling sagot nya at saka pumasok sa shower.

"Magshoshower uli." Pangagaya ko sa kanya with matching funny face. Nakakastress tong lalaking to.

Nang maayos ko yung mga papel nya, umakyat na ako sa kama ko at doon inayos ang mga gamit ko. Kahit kasi mga mukhang normal ang mga gamit ko, delikado pa rin sila. Matapos noon humiga ako sa kama ko at tumingin sa kisame. Ang sama naman ng bungad ng mission ko. 

Umupo ako at kinuha ko ang libro kong The Hunger Games at nagbasa na lang. Mabuti na yung ganito para mawala stress ko. Magbabasa muna ako habang iniintay ko syang matapos magshower, dahil susunod na akong maligo.

Code Name: Agent RedWhere stories live. Discover now