[Rury's POV]
Pawisan ako nang makarating ako sa ospital. Umiiyak si Iza na umakap sa akin. Si Adallia naman, walang malay na natutulog.
"S-Si tito, okay na?" Tanong ko habang karga ko is Iza.
Sumisinghot pa ng sipon si Justin habang tumatango.
"Ate Rury, nakakatakot. Promise. Ngayon, hindi na namin alam kung nasaan si tita." Napahagulgol si Dess.
Kung alam nyo lang... kasalanan ko ito.
Nanatili ako sa ospital habang binabantayan si tito at iniitnay ang kapatid nya. Sila na daw ang bahala pag dumating sila. Akap akap ko si Iza na natutulog sa hita ko habang tinetext ko kay Ice ang mga nangyare. Sinabi ko sa kanyang wag muna syang maingay.
[Are you kidding me? That's totally... we're so damn screwed.] Reply nito.
Naluluha-luha na ako habang sinasabi ko sa kanya ang mga nangyayare. Hindi ko na alam ang gagawin ko.
Kasunod noon, si Jasper naman ang nagtext.
[Rury, anong nangyare?!]
Una kong nireplyan si Ice na maghanda na kami. Pangalawa kong nirepkyan si Jasper. Sinabi ko sa kanya ang mag nangyare at sinabihan ko na din syang lumayo sa akin.
Hindi na sila muli pang sumagot matapos noon.
Nagising na langa ko nang gisingin ako ng kapatid ni tito. Sinabihan nya ako na umuwi na ako para daw makapagpahinga na ako. Tinanong pa nga nila kung ihahatid daw ba nila ako o hindi, pero sabi ko, wag na. Kaya ko naman.
Halos alas dose na nang makarating ako sa agency namin. Tahimik na dahil marami nang wala doon.
Nandoon pa rin si Ice sa laboratory nya at may inaasikaso pa din. Umupo ako sa tabi nya at saka tumulala.
"Sigurado akong C.C. ang may pakana nyan," sabi nya.
Tumango ako.
"Rury!" Nakita ko si Mae. Umakap agad ako sa kanya at hindi ko mapigilang mapahagulgol.
"Tutulong naman kami... Rury. Wag kang magalala," si Ice.
"May mga kasama ka naman, kaya wag kang matakot." Si Sean. "Nung magmission failed tayo, palihim akong naglagay ng CCTV sa bahay nyo para mamatyagan ko kung may mangyayare sa tatay mo. But I did not expect na nanay mo naman pala ang kukunin nila."
"Thank you, Sean. But now.."
"Wag kang magthank you. Nakuha nga nanay mo di ba?"
Hinahagod naman ni Mae ang likuran ko. "Don't worry, tutulungan ka namin."
Nakatulog ako sa loob ng laboratory ni Ice. Napadilat na lang ako nang marinig kong nagvivibrate yung phone ko. Napatingin ako sa paligid ko. Natutulog si Ice sa lamesa. Siguro, mga alas tres na noon.
"Hello?"
[Agent Red Queen,] hindi ko kilala ang boses, pero sigurado akong si Mr. Konohana yun.
"Asan ang mama ko?!" Bulalas ko. Nagising si Ice.
[Kumalma ka, agent Red Queen, buhay ang mama mo. Eto pa nga ko, sumisigaw...] tapos noon nakarinig ako ng boses. [Tulong! Tulong!] Si MAMA YON!!
"MAMA!!" Sigaw ko, "Walang hiya ka!!"
[Makinig ka sa akin, agent Red Queen. Tutal natutuwa ako sa mga kalokohang pinaggagaawa nyo kasama ang Howling Flames Agency habang nagaaral ang anak ko, bibigyan kita ng espesyal na imbitasyon.]

YOU ARE READING
Code Name: Agent Red
Teen Fiction[End] One of the top teenage secret agent Rury de la Cruz A.K.A. Agent Red Queen was given a very important mission to save their country, and that is to go to an elite school AS A BOY where Saya Konohana, the daughter of the leader of the terrorist...