Mission 31

3.2K 101 4
                                        

[Rury's POV]

"Saya, good morning." Bati ko sa kanya habang nakangiti. "Here." Dagdag ko pa ng abutan ko sya ng dried mangoes.

"Good morning, Sherwin. Salamat ah?" Nakangiti nyang sabi pero halatang pilit lang yon. Kitang-kita kasi sa mata nya na hindi naman talaga sya masaya.

"Matamlay ka ata ah? May nangyare ba?" Sabi ko sabay upo sa tabi nya habang nakangiti. Kailangan kong malaman kung anong nangyare.

Pero gaya ng inaasahan, lumihis sya ng tingin at saka sya napakagat sa labi nya. Eto yung sinasabi ni Mikko na mannerism nya kapag nagsisinungaling sya.

"W-Wala naman. Okay lang ako. Puyat lang siguro to. Marami kaming pinuntahan ni Daddy eh." Sagot nya habang nakangiti.

"Talaga? Saan?" Tanong ko. Alam kong nagsisinungaling lang sya, pero kinagat ko pa din yon. Gusto ko kasi syang mapaamin.

"A-Ah? S-sa... b-bahay ng mga tita ko." Sabi nya habang pinaglalaruan nya yung panyo nya.

Hindi na maganda to. Talagang ayaw nyang sabihin! Baka kailangan... mas maging close pa kaming dalawa para masabi nya sa akin yun nangyare? Naman eh. Pero ayoko naman syang pilitin kasi baka lumayo sya sa akin. 

"Ah ganun ba? Mukhang nag-enjoy ka ah? Kaya ka siguro napuyat." Nakangiti kong sagot.

"O-Oo." Nakangiti nyang sabi.

"Anyway, Saya. Wag kang pababaya sa kalusugan mo ah?" Sabi ko sabay killer smile. NAKS! Landi muna ako mga brad.

"Mm mm." Nakangiti nyang sabi at saka tumango. "Salamat, Sherwin."

-----

[Red Queen, nasa library ako. Puntahan mo ako sa recess mo.] Yun ang message ni Sean sa akin bago pa matapos ang huli naming klase. Malamang gusto nya ng mga balita na maihahatid ko sa kanya tungkol kay Saya, yun nga lang. Hindi ko sya mapaamin.

Pero habang naglalakad ako papasok library, may narinig ako... na sana... hindi ko na lang narinig.

"OMG! SHERWIN-BAE!" 

Nagpanggap akong kunwaring hindi ko narinig yung sigaw na yon, pero nagtaasan lahat ng balahibo ko nang may umakap sa akin sa likod. JUSKO!! MAY TYANAK! MAY TYANAK SA LIKOD KO! 

"Surprise~" Sabi ni Donna at saka sya humarap sa akin. "How are you? Ang tagal na nating hindi nagkausap ah?" Sabi nito at saka hinawakan ang mga kamay ko. 

Baka mahawa ako galis mo.

Agad kong binawi ang mga kamay ko at saka sumagot. "A-Ah? Ayos lang ako, kaso medyo busy. Eto na ngat pupunta ako sa library eh. Ehe-ehehehe." Kinokontrol ko yung emotion ko nang sumagot ako. Kapag naging hard ako kay Donna, siguradong kakalat yun sa buong school at baka maturn off sa akin si Saya. Ugh.

"Pwede bang dito ka muna?" Sabi nya at saka pinulupot yung mga braso nya sa bewang ko.

WAAH! Tulong! HAHALAYIN AKO! 

"A-Alam mo, Donna. Medyo mainit eh, kaya pakitanggal naman nyang mga braso mo." Sabi ko.

"Oo nga, mainit." Sabi nito at saka tumingin sa akin ng mata sa mata. 

Hindi na ako magugulat kung bakit naloko nya si Jasper. Ang ibig kong sabihin eh, napaka seductive ng babaitang to. Buti na lang hindi sya si Saya, kasi maaga akong magreretiro bilang isang agent. Haha. Totoo.

Code Name: Agent RedWhere stories live. Discover now