[Rury's POV]
"Sherwin!!" Nagulat ako nang biglang sumalubong sa amin si Jasper sa hallway habang naglalakad kami ni Mikko papuntang room namin.
Oo readers, medyo magkasundo na kami ni Mikko.
Bawal green minded!
"Pre!" Nakangiting salubong ko din sa kanya.
"Bakit hindi ka pumasok kahapon? Intay pa naman ako ng intay sa canteen sayo eh." Sabi nito at saka ako inakbayan.
Naramdaman kong medyo tumalon ang puso ko nung inakbayan nya ako. Pero buti na lang at medyo nasanay na ako kay Jasper kaya hindi na ako masyadong naaasiwa at kinakabahan. Mahilig kasi talagang umakbay si Jasper.
"P-pasensya na.. nilagnat ako eh. Nabasa kasi ako ng ulan nung nakaraang linggo." Sabi ko.
"Ha?! Okay ka na ba?!" Sabi nito sabay salat sa noo ko. "Bakit di mo ko tinawag para matulungan kita?" Alalang tanong nito.
"Ahh.. hinde. Si Mikko na nagalaga sa akin. Pati tuloy sya napaabsent hahaha." Sagot kong may halong kasinungalingan. Welp, may katotohanan naman yun kahit papaano dahil tinulungan naman talaga ako ni Mikko nung nagkasakit ako eh.
"Ahh." Tumatangong sabi ni Jasper habang tumitingin kay Mikko.
"Sherwin... matagal pa ba kayo maguusap? Mauuna na ako." Malamig na sabi ni Mikko.
"Ahh sige. Maaga pa naman kaya sasama muna ako kay Jasper." Sabi ko sa kanya.
"Sige." Sabi nya sabay alis.
"Oy Jasper." Tawag ko kay Jasper dahil nakatitig lang sya kay Mikko na naglalakad papaalis habang nagtatama ang dalawang kilay nya.
"Sherwin, bakit ganon?!" Nagulat ako nang bigla na lang syang nagtanong sa malakas na tono sa akin. Napaatras ako ng konti nang bigla nyang hinawakan ang mag balikat ko at tumingin sa akin ng mata sa mata.
"J-Jas--" Nauutal kong sabi.
"Ako best friend mo di ba? Dapat ako tumutulong sayo, hindi sya. Isa pa... akala ko galit ka kay Mikko dahil pinopormahan din nya si Saya at nagagaspangan ka sa ugali nya?!" Seryosong sabi nito sa akin habang nagtatama ang mga kilay nya.
Natigilan ako. Ang lakas ng tibok ng puso ko. Ang lapit nya sa mukha ko. Di ko alam ang isasagot.
"A-Ah..Ano.." hindi ako makasagot ng maayos.
"Ano?!" Malakas nyang tanong namay halong pagtatampo at paghahanap ng sagot.
"J-Jasper, ayoko kasing abalahin ka." Napaiwas ako ng tingin sa kanya nung sinagot ko sya.
"Jasper, sorry." Kabadong dagdag ko pa. Hindi ko na alam pa ang isasagot ko. Eto ang unang beses na may lalakeng nagsalita sa akin ng ganito.
Nakita kong napakurap sya na para bang nagulat sya sa sinabi ko na yon. Napabitiw sya sa balikat ko na para bang gulat na gulat talaga sya. Agad naman akong napaatras at huminga ng malalim dahil akala ko talaga aatakihin ako sa puso.
"S-Sorry." Tulala nyang sabi.
Nalilito ako. Bakit nagkaganun si Jasper? Parang may kakaiba sa kanya ngayon pero... hindi ko alam. Basta ang alam ko lang ngayon... kailangan maging maayos uli kami ng kaibigan ko.

YOU ARE READING
Code Name: Agent Red
Teen Fiction[End] One of the top teenage secret agent Rury de la Cruz A.K.A. Agent Red Queen was given a very important mission to save their country, and that is to go to an elite school AS A BOY where Saya Konohana, the daughter of the leader of the terrorist...