[Ice's POV]
Napatakbo agad kami ni Jasper sa Mama ni Rury habang nakatingin kay Rury na naglalakad papunta kay Kharone. Alam kong alam ni Rury na malamang eto na ang huling laban nya. Malakas si Kharone at wala pa syang sugat sa katawan, di tulad ni Rury na pagod na at marami nang galos. Idagdag pa natin na hindi sya sanay sa espada at yung bomba na nakakabit sa katawan nya.
"Tara na po," sabi ni Jasper habang inaalalayan yung Mama ni Rury.
"Hindi ako sasama! Hindi ko pedeng iwan ang anak ko dito!" Yung Mama ni Rury.
"Sumama na po kayo," pilit ko.
"Pero ang anak ko!"
"Ma'am, malakas pong tao si Rury!" Bulalas ko. Natahimik yung Mama nya. "Kung ano man po pagkakakilala nyo kay Rury, mas malakas pa sya doon. Hindi sya ganon kahina... hindi sya magiging top secret agent kung ganon sya kahina!"
Nangangatog na nakatingin sakin ang mama ni Rury.
"Magtiwala tayo sa kanya," sabi ko.
At nang mga panahong yon, sumugod si Rury kay Kharone. Buong pwersa nyang winasiwas ang mga bolong binigay ko sa kanya. Para syang nagsasayaw sa ibat ibang estilo ng paghiwa na ginagawa nya. Umiikot sya, pinaiikot nya ang espada nya, tumatalon talons sya at kakaiba ang pagbitiw nya sa mga wasiwas nya. Halatang gusto na nyang tapusin ang lahat. Pero hindi yun ganung kadali, mas bihasa si Kharone sa sibat na gamit nya.
Nakaalalay si Jasper at Eden sa Mama ni Rury habang naglalakad kami papaalis. Nakita kong humihikbi ang Mama ni Rury habang naglalakad ito.
"Mali ba ako sa pagkakakilala ko sa anak ko?" Bulong nya.
"Mas malakas sya sa pagkakakilala nyo sa kanya," sagot ko habang nakatingin kay Rury "..at mas mahal nya kayo... kaysa sa pagkakaalam nyo."
Pero sa oras na yon, tumilapon si Rury dahil sa pagkakahampas ng sibat sa mukha nya. Gumugulong syang bumagsak sa lupa, pero agad ding bumangon.
"Anak!" Yung Mama nya at nagtangkang sumugod papunta sa kanya.
"Wag!" Inakap ni Jasper ang Mama ni Rury sa likod.
"Bakit?! Wag mo kong pigilan! Hindi ko pinanganak ang anak ko para lampasuhin lang! Hindi!!"
"Wag po!!" Sigaw uli ni Jasper, "magtiwala tayo sa kanya!"
Hinila namin papaalis ang Mama ni Rury habang nagkatingin ako sa kanya. Wala ni isa sa amin ang may gustong iwanan sya, pero mahigpit nyang bilin na iligtas muna ang mama nya bago sya tulungan.
She's a selfless woman and she deserves to be protected, yet a lot of people still hurt her. What a unique woman she is.
Hinagis ni Kharone yung sibat nya at hinabol si Rury nito. Gumamit ng turbo si Rury para makatakbo ng mabilis. Ipinasok nya yung espada at binunot yung baril na hawak ni Jasper kanina. Oo, binigay ni Jasper yung baril nya kay Rury. Binaril ni Rury si Kharone pero nakaiwas to. Pero wala nang tatakbuhan si Rury. Pader na ang kasunod nya. Napapikit ako dahil alam kong tatama si Rury sa pader at tatarak sa kanya yung umiikot na sibat ni Kharone na parang barena.
Pero nang madilat ko ang mga mata ko, yung pader lang ang tinamaan ng sibat na yon. Nakaiwas si Rury! Plano nya talagang umiwas sa huling segundo para doon mapunta yung sibat ni Kharone.
Sa sobrang diin ng pagkakabaon ng sibat ni Kharone, hindi ito ganong kadaling mabunot kahit gaano pa nya iutos na bumalik ito sa kamay nya. Sinamantala ni Rury ang pagkakataon at sumugod kay Kharone, kahit sa malayo, kitang-kita ang galit sa mata ni Rury. Dinakot nya sa leeg si Kharone at inihiga sa lupa. Binubot nya yung isang bolo at tinutok sa mukha ni Kharone.

BINABASA MO ANG
Code Name: Agent Red
Teen Fiction[End] One of the top teenage secret agent Rury de la Cruz A.K.A. Agent Red Queen was given a very important mission to save their country, and that is to go to an elite school AS A BOY where Saya Konohana, the daughter of the leader of the terrorist...