Mission 38

2.6K 91 5
                                        

[Rury's POV]


"Ahahahahahaha!" Ang lakas ng tawa namin ni Jasper nang pinanood namin yung dubsmash na ginawa namin. Pinagtripan namin yung lines ni Maricel Soriano.

"Bagay sayo, Jasper!" Natatawang sabi ko.

"Mas bagay kaya sayo! Try natin, ikaw naman si Maricel!"

"Tara!"


Pansin nyo bang masaya ako? Yep! Masaya ako! Nakaaalis na ng ospital si Papa at si lola, tapos kahapon ay kasama ko sila Mama at yung mga kapatid ko na kumain sa labas dahil birthday ko kahapon. Hindi ako nagwish ng engrandeng kahit ano, dahil gusto ko lang silang makasama. Tapos non, nang makauwi ako samin, nagulat ako dahil nandoon yung mga pinsan at tita ko at nagkainan uli kami sa bahay. Ang saya-saya ko! WOOOO! PAKISAPAK AKO SA FES!


At ngayong hapon, nasa school na ako. Bukas na ang intramurals kaya naman excited na akong idate si Saya. Ang daming booths at gimik sa school. Nakakatuwa.


"AHAHAHAH! Ang pogi mo Sherwin! Hahahaha!" Tawa pa ni Jasper. Nakakatuwa ang tawa nya, parang bata.

"Hahaha! Bakit ka nakanganga oy?!" Sabi ko habang nakaturo ako sa video.

"H-Hindi ah!" Nagulat nyang sabi habang namumula. "Burahin na nga to!"

"Hahaha!" Natatawa kong sabi.


Matapos naming magkatuwaan sa kwarto nila ni Jasper, nagdesisyon na akong bumalik ng kwarto ko. Andun ka kaya yung si Mikko? Sana andun na sya.


Bumungad sa akin si Mikko na nakatalikod at nakaupo habang nagaayos ng gamit nya sa school. Napangiti ako at tinangka kong gulatin sya.

"RAWR!" Sabi ko at saka ako tumalon, pero nagulat ako nang wala man lang syang reaction. Tiningnan lang nya ako tapos inayos uli ang gamit nya.

"Uy, anyare sayo?" Tanong ko.

"Wala." Tipid nyang sagot.

Uy, wala sa mood si Mikko. Di ko muna kakausapin, baka mabanas to eh. Mayari pa ako.

Dumeretso ako sa taas ng kama ko at saka naglaro na lang sa phone ko. Anu ba yan? Kala ko ba naman makakausap ko sya ng maayos. Excited pa naman akong kausapin at magpasalamat sa kanya dahil sa ginawa nyang pagligtas sa akin sa mission namin nung Sabado.


Welp... mukhang wala sya sa mood. Edi hayaan.


"Sayaaaa!" Nakangiti kong sabi habang tumatakbo.

"Sherwin!" Napangiti sya nang makita nya ako. "Hello!"

"Saya, di ba sabi ko idadate kita ngayon? Tara!" Sabi ko at saka ko inangat ang braso ko para iescort sya.

Nagningning ang mga mata nya. "Maika, alis muna ako saglit ha? Kayo muna ang magkasama, babalik din ako." Nakangiting pagpapaalam ni Saya sa mga kasama nya.

"Sige." Nakangiting sabi ni Maika.


Yes! *insert No Touch song here* I-Iscore muna ko!


——————————————

[Mae's POV]

Code Name: Agent RedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon