[Rury's POV]
"Sherwin, nandito ka lang pala~" Sabi ni Donna at saka kumapit sa braso ko. "Alam mo bang kanina pa ako hanap ng hanap sayo, darling?"
I'm dead meat.
"D-Donna ano ba?" Sabi ko at saka ko pilit na hinila ang braso ko, pero masyado syang mahigpit sa pagkakahawak.
Napatingin ako kay Jasper at nakita kong tulalang-tulala sya habang nakatingin sa amin ni Donna. Nako.
Naloko na.
————————————
[Jasper's POV]
Hindi ko maigalaw ang kahit anong parte ng katawan ko sa nakita ko. W-Wag mo sabihing si Sherwin yung sinasabing nagugustuhan ni Donna?
H-Hindi pede.
"T-Teka, Jasper... kaya ko tong ipaliwanag!" Sabi ni Sherwin tapos lumapit pa sya sa akin, pero automatic na umatras yung paa ko.
Bakit pakiramdam ko, may tumutusok sa dibdib ko?
"Sherwin, tara na? Let's go na! I want to see the horror house with you, darling." Boses yon ni Donna habang nakakapit kay Sherwin.
"Donna, hindi ko iiwan ang kasama ko. Hindi ko iiwan si Jasper dito." Sabi ni Sherwin kay Donna.
Kumalas si Donna sa pagkakaakap nya kay Sherwin at saka nya ako hinarap. Hindi ko pa rin maigalaw ang parte ng katawan ko nang humarap sa akin ni Donna.
"Jasper, aalis kami ni Sherwin. Mamaya ka na, okay?" Sabi nito sa harap ko habang nakapamewang.
Gulong-gulo na ako at hindi ko alam ang dapat maging reaksyon ko sa mga nangyayare. Pero... nasasaktan ako. Oo, napakasakit.
"Donna! Wag ka ngang ganyan!" Narinig kong sabi ni Sherwin, pero hindi sya pinakinggan ni Donna.
"May date kami ng boyfriend ko, kaya mamaya ka na." Sabi pa ni Donna sa akin ng deretso sa mata.
"Sh-Sherwin..." Hindi ko mapigilang banggitin ang pangalan ni Sherwin, pero napakasakit nung ginawa ko yun.
Ang sakit... sobra.
"Pede ba, Jasper, wag ka nang makulit? Kung gusto mo akong makausap dahil sa pangt-two time ko sayo, pwes kalimutan mo na dahil wala naman talaga akong balak na maging boyfriend ka. Natalo lang ako sa pustahan kaya ako napilitang makipagrelasyon sayo... kaya kalimutan mo na ako." Matalim ang mga salitang binitiwan ni Donna na yon sa akin.
"DONNA! SINABI NANG—-" Pasigaw na sabi ni Shewin pero natigilan ako nang biglang lumingon si Donna kay Sherwin at bigla nya itong hinalikan...
... sa harap ko.
Hindi ko na kinaya pa... tumakbo na ako papaalis sa kanila.

YOU ARE READING
Code Name: Agent Red
Teen Fiction[End] One of the top teenage secret agent Rury de la Cruz A.K.A. Agent Red Queen was given a very important mission to save their country, and that is to go to an elite school AS A BOY where Saya Konohana, the daughter of the leader of the terrorist...