[Rury's POV]
"Pare, baka ikaw ang bakla. Bakit ba pilit mo akong pinaghuhubad, ha?" Tanong ko sa kanya ng may angas. Pilit kong nilalabanan ang kaba sa dibdib ko dahil puro lalake ang mga kaharap ko.
Natawa si Jomarie. "Ako bakla? Eh gusto ko lang namang makita yang alaga mo." Sabi nya sabay dakot sa... sa... down part ng katawan ko. A-Alam nyo na. Napayuko ako at napaatras nang ginawa nya yon. Titili pa sana ako pero kinagat ko ang dila ko. ANO BANG LALAKE TO NAPAKAWALANG MODOO!! Buti na lang at may nilagay na something yung Agency sa brief (Oo pinagbrief nila ako) na sinusuot ko para kunwari...m-may behind ako ng lalake. GYAAAAH! Hindi ko na keribels to!!! Lunok laway kong pinigil ang lahat ng mga emosyon ko.
"Pare, para ka namang gago." Si Jasper. "Lubayan mo na nga kami!" Galit nyang sabi.
"Hoy boy lover na tinu-time ng shota nyang campus crush, wag mo nga akong mautus-utusan. Baka gusto mong ako na ang bumalibag sayo sa bintana?" Jomarie
"Aba, gago ka ah! Ano ba gusto mo?!" Jasper.
Hinila ko si Jasper. "Jasper, wag mo nang pagaksayahan ng oras ang mga taong walang kwenta. Tara na." Tapos naglakad ako papaalis habang hila ko si Jasper.
"Hoy, bagong salta ka lang sa skwelahan na to. Wag kang mayabang." Narinig kong sabi ni Jomarie sabay hawak sa balikat ko.
Umarangkada na ang init ng ulo ko. Napahinga ako ng malalim at napakagat ako ng labi. Sumosobra na tong walang modong lalake na to.
Agad kong hinawakan ang kamay nyang nakapatong sa balikat ko at hinila iyon habang nakatalikod ako sa kanya. Hinawakan ko agad ang braso nya nang makalapit sa akin yon at saka ko sya hinagis pabaliktad sa harap ko. Nang kumalabog na ang sahig dahil sa pagkakabalikwas ko sa kanya, inipit ko ang braso nya sa mga braso ko.
"Nakakairita ka na ah. Baka gusto mong baliin ko tong braso mo? Tigil-tigilan mo na kami. Baka ako pa magbalibag sayo sa bintana." Inis kong sabi at saka pinakawalan ang braso nya.
Matapos non, pinulot ko ang mga damit ko at naglakad papuntang banyo with matching mainit ang ulo face. Automatic na binigyan ako ng space ng mga lalakeng nakapila sa banyo para makapasok na ako sa loob ng banyo at makapagpalit. Takot sila eh.
Ganun ako tao, mahiyain man at may pagkalola, mabilis yoong nagbabago pag naiirita ako. Nakakainis na kasi yung si Jomarie. Wala nang modo, masyado pang epaluur. Buti nga sa kanya.
"Ang astig mo, pre! Paano mo nagawa yon? Ang laki-laking tao ni Jomarie, nasmack down mo?!" Hangang-hangang sabi ni Jasper sa akin.
"N-Nagaral lang ako ng martial arts noong bata pa ako, kaya nagawa ko yon. Hindi ko mapaliwanag eh, pero dapat kontrolado mo ang pwersa mo pag gagawa ka ng ganon." Sabi ko.
"Ang lupit! Bangis mo pre!" Sabi nya tapos naghigh five kame.
"Okay! Tatakbuhin nyo yang court na yan ng limang ulit!" Sabi nung P.E. teacher namin at saka pumito. Nagsimula na kaming mag jogging sa court.
"Pare, ang sama ng tingin sayo ni Jomarie." Bulong sa akin ni Jasper habang nagjojogging kami.
"Edi mag-sawa sya. Sabi ko na nga ba may gusto yan sa akin." Natatawang sabi ko at saka naghigh five kami ni Jasper.
Punyaterang bakulaw yun. Edi titigan nya ako! Bakit akala ba nya, mamatay talaga ako sa titig nya? Huh, baka paliparin ko sya ng lasog-lasog body parts nya eh. Kakainis sya.
Nang matapos kaming magjogging, nakita kong pagod na pagod si Saya, kaya naman kumuha agad ako ng bimpo at maiinom para naman makapagpalamig sya. Pero nagulat ako nang makita kong si Mikko na ang nagpapahid ng pawis nya. Napahigpit ang hawak ko sa thumbler kong may laman na tubig nang makita ko yun. Talagang panira ng mga damoves ko tong Mikko Santos na to eh.
Pero wala syang dalang tubig, kaya it's my turn!
"Hey!" Tawag ko kay Saya. "Gusto mo?" Sabi ko sabay alok ng tubig na malamig.
"Ayos lang? Nakainom ka na ba, Sherwin?" Saya.
"Oo naman. Kinuha ko talaga to para sayo." Sabi kong nakangiti.
"Salamat talaga, Sherwin." Nakangiting sabi nya at saka sya uminom sa thumbler ko.
Habang umiinom sya, nagkatinginan kami ni Mikko. Nakakunot ang noo nya habang nakatitig sa akin, binigyan ko lang sya ng malokong ngiti na nagsasabing "OHA! IN YOUR FACE! AKIN SI SAYA! MWAHAHAHAHA."
Makikita mo ang girl power ko, Mikko Santos! Ilalampaso kita. Akin si Saya!
Matapos lahat ng mga klase namin, naglakad na akong mag-isa papuntang dorm ko, pero natigilan ako nang bigla akong hinarang ni Paulo; yung barkada ni Jomarie.
"Pare, sumunod ka sa akin." Utos nya.
"Bakit naman ako susunod?" Ako
"Sumunod ka na lang kung ayaw mong mabaldado ang best friend mong baliw." Sabi nya.
Bigla akong kinabahan nang sinabi nya yon. Wag mo sabihing hawak-hawak nila si Jasper?! Anak ng piniritong baka!!
Agad akong sumunod sa kanya at dinala nya ako sa likuran ng building. Matapos noon, naglabasan ang pitong lalake at yung dalawa sa kanila, hawak-hawak si Jasper na bugbog sarado.
"Jasper!" Sabi ko.
"Hindi mo pa ata kasi nakikilala ang kinakalaban mo. Tandaan mo, bagong salta ka lang dito, kaya wag kang maangas!" Narinig kong sabi ni Jomarie tapos sinuntok nya si Jasper.
"TAMA NA!!" Sigaw ko.
"Manahimik ka! Ngayon kung ayaw mong madag-dagan pa ang pasa ng best friend mo, lumuhod ka sa harap ko!" Utos nito sakin.
Luhurin mo nanay mo, punyatera kang bakulaw ka!
"Wag kang luluhod, Sherwin!" Sigaw ni Jasper, pero nakatanggap lang sya ng suntok sa tyan nang sinabi nya yon. Bigla akong nagpanic. Kapag hindi ako lumuhod, siguradong mababaldado tong si Jasper sa kanila. Anong dapat kong gawin? Hindi ako pwedeng mag-ala Jackie Chan or Bruce Lee dito dahil baka masira ang cover ko. Ano na?! Hindi ko rin suot yung hikaw ko kaya hindi ko makausap ang back-ups ko.
Lumuhod ako sa harap nila. Bahala na talaga.
"Sherwin, wag! Papaluin ka nila ng tubo!" Nagpupumilit na sabi ni Jasper.
Nakita ko ang anino ni Jomarie na papalapit sa akin tapos may inangat sya. Hermergerd. Bahala na talaga.

YOU ARE READING
Code Name: Agent Red
Teen Fiction[End] One of the top teenage secret agent Rury de la Cruz A.K.A. Agent Red Queen was given a very important mission to save their country, and that is to go to an elite school AS A BOY where Saya Konohana, the daughter of the leader of the terrorist...