[Mikko's POV]
"Tsk. Wag magulo." Inis kong utos sa kanya habang nilalagyan ko sya ng malamig an bimpo sa noo.
"Bakit bumait ka ata? Kukunin ka na ba ni bathala?" Nagdedeliryo nyang sabi sa akin.
Hindi ko na lang sya pinansin, alam ko kasing lalo lang akong maiirita sa kanya kapag pinansin ko pa yung mga pinagsasabi nya. I suck at taking care of annoying people.
"Hoy, umakyat ka na dun sa kama mo para makatulog ka na." Sabi ko sa kanya nang binalak ko ng matulog.
Wala akong balak alagaan sya sa buong magdamag. Hindi nya ako kuya o tatay para gawin ko yun. Ni hindi nga kami magkaibigan para gawin ko yon para sa kanya.
"Oy." Pangiistorbo ko pa sa kanya.
Pero hindi sya sumasagot. Nang hinarap ko ang mukha nya sa akin, nakapikit lang sya at hindi kumikilos.
Nang mga panahon na yon, hindi ko ba alam kung bakit... pero kinabahan ako ng sobra. Sinalat ko agad yung ulo nya, at mas uminit pa sya kaysa sa kanina.
Napaatras ako. Kailangan nyang madala sa ospital ngayon na mismo, pero kapag dinala ko naman sya sa ospital o sa clinic ng school namin, baka malaman nila yung sikreto nya. Tsk. What the hell should I do?!
Natigilan ako nang sa pagkakatras ko, may nakita akong umiilaw, nang nilingon ko yon, nakita kong may tumatawag sa phone nya.
----------------------------------------
[Rury's POV]
Dahan-dahan kong binuksan ang mata ko mula sa pagkakatulog ko. Nang tuluyan ko na yung naibukas, puro kulay puti ang nakita ko. Oh hinde don't tell me I'm tegi-tegi boom boom na?!
"Oh, gising ka na pala?" May narinig akong boses at nang tningnan ko kung sino yun, si Ms. Seri na nagbabalat ng mansanas.
"Bakit po ako nandito? Anyare?" Nagdedeliryo ko pang tanong sa kanya. Ugh. Sakit ng ulo ko talaga.
"Nung tinawagan ka ni Mae para i-check ang lagay mo, si Agent Red King ang sumagot. Sinabi nya na inaapoy ka ng lagnat kaya agad-agad ka naman naming kinuha sa school at dinala sa Agency. Since Friday naman ngayon, oras mo na talaga para maiuwi kaya wala kang dapat problemahin." Paliwanag nya.
Napatango ako habang lumalayo ang tingin nya. Wew. Buti na lang at kinuha ako ng Agency, baka iwan lang ako ni Mikko sa dorm habang nakikipagbuno ako kay kamatayan dahil sa lagnat. Jonginey. Gusto ko pa mabuhay.
"And pinapasabi ni Agent Red King na magpapayat ka daw."
Natigilan ako. Huwawat?
"A-Ako? Magpapapayat?" Tanong ko.
"Pinasan ka nya sa likuran nya habang wala kang malay. Kitang-kita kong halos magkanda kuba sya habang binababa ka nya ng hagdanan, kaya sinabi nyang magpapayat ka daw. You're heavier than you look."
Napasinghap ako sa sinabi ni Ms. Seri. Puchey! Pagdietin daw ba ako ng loko? Baket, nanay ko nanay ko? Jongina! Ang sarap kayang kumain. Pigilan pa nya ako at sya na ang kakainin ko!
Okay that actually sounded dirty. *insert Talk Dirty to Me song here*
"Red Queen, kaya mo na bang tumayo? Bumaba na ang lagnat mo so I think pwede mo nang tingnan yung jetpack na nasa Lab lang. Okay lang ba? Kaya mo ba?"
Pinakiramdaman ko ang sarili ko. Mukhang kaya ko naman. Welp, ano bang hindi ko kinaya? Pakisamahan nga ang maligno, nasikmura ko eh. Haha. Chorva.

BINABASA MO ANG
Code Name: Agent Red
Teen Fiction[End] One of the top teenage secret agent Rury de la Cruz A.K.A. Agent Red Queen was given a very important mission to save their country, and that is to go to an elite school AS A BOY where Saya Konohana, the daughter of the leader of the terrorist...