Mission 23

3.2K 112 4
                                        

A/N: Sorry sa late UD. Talagang patayan pag patayan pag Finals :D

---------------------------------------

[Rury's POV]

"Hey, gumagalaw yung mata nya. I think she's awake." 

May narinig akong boses sa kadiliman.

"Tristan, magigising talaga yan kasi iniistorbo mo."

May isang boses pa.

Teka nga, sinu yung mga yun? MGA DEMONYO?! S-Susunduin na nila ako?

Dahan-dahan kong binuksan ang mga mata ko, pero nagulat ako nang pagdilat na pagdilat ng mga mata ko, mata rin ang sumalubong sakin. 

"WAAAH!" Napasigaw ako at saka dali-daling napaupo. Napalingon-lingon ako sa paligid at napagtanto kong, nasa ibang lugar ako. T-Teka? Agency ba to? Pero hindi ganito itsura ng agency namin ah? Anyare? Bakit ako nandito?!

"Tristan naman, tinakot mo pa." Napatingin ako dun sa lalaking nagsalita. Teka! Kilala ko to! Sya yung gwapong lalake sa elavator, at yung... teka, coach ata ni Mikko to? 

"Sorry." Natatawang sabi nung isang lalake habang kumakamot sa ulo. "Ate, okay ka na ba?" Tanong nito sa akin.

Teka, etong lalaking to yung kasama ni Mikko dun sa hotel nung gumawa kami ng mission ah?

E-Edi sa makatuwid, n-nasa Agency ako na karibal namin?! *singhap*

"Hala, tinakot mo talaga sya Tris. Pinagpapawisan ng malamig oh." Sabi nung gwapong lalake.

"Ate, sorry na!" Yung cute na lalake.

"B-Bakit ako nandito? Utal kong tanong." 

"Ah, dinala ka ni Mikko dito." Deretsong sagot nung gwapong lalake. "Okay lang naman na dito ka muna sa Agency namin. Tutal tinulungan mo naman kami nung nakaraan sa files na hinihingi namin, ikaw naman ang tutulungan namin ngayon." Nakangiting paliwanag nung coach ni Mikko.

*blink*

*blink*

Dinala ako ni Mikko? Si Mikko?

"HA?!" Umalingawngaw ang boses ko sa kwarto. ANUNG NANGYARE?! TEKA BIRHEN PA BA AKO?! De joke.

Nagtinginan lang silang dalawa.

"Bakit ako dinala ni Mikko dito?!" Tanong ko pa.

"Uhh... sasabihin ko na lang yung eksaktong linya ni King nung dinala ka nya dito." Sabi nung cute na lalake tapos ume-hem sya at ginaya ang boses ni Mikko. "Pakidala sa isang kwarto tong tatanga-tangang babaeng to. Alam ng nilalagnat, sumugod pa. Sakit sa ulo." 

"Yun ang sabi nya." Dagdag pa nya.

Sa mga sinabi nya na yun, biglang bumalik yung lahat-lahat ng mga nangyare sa utak ko bago ako hinimatay. Oo nga pala, may sinugod ako. Pero teka nga, paano nalaman ni Mikkong bakulaw na may sinugod ako? At saka ano nangyare dun sa mga kasama ko?! Naku naman!

"S-Si Mikko po, asan?" Tanong ko dun sa dalawa.

"Ah, nasa second floor yun, binabantayan yung kapatid nya." Sabi nung coach nila. 

Kapatid?

"Balita ko, kinumbulsyon na naman si Anna kagabi. Sabi nung nurse halos mangisay si Anna sa panginginig nya sa taas ng lagnat nya eh." Sabi nung cute na lalaki.

Code Name: Agent RedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon