Mission 35

2.9K 108 4
                                        

[Rury's POV]

Kaya mo to Rury! Isa, dalawa, tatlo!

Pagkabilang ko ng tatlo, agad akong tumalon habang nakabuka ang magkabilang hita ko para malagpasan yung robot. Ginawa ko syang luksong baka. Paraparaan lang yan.

Pagapak ko sa lupa, binunot ko agad yung baril ko at pinagbabaril yung mga robot sa likuran habang tumatakbo, pero nagulat ako nang may balang nanggaling sa likuran ko, kaya naman napalingon ako.

Nanlaki ang mata ko sa nakita ko.

"Mikko?!" Gulat kong sabi.

"Tara na!" Sabi nito at saka dere-deretsong tumakbo. Agad din naman akong sumunod.

"Bakit ka may sugat sa ulo?!" Sabi nito habang tumatakbo kami.

"Nabaldog ako eh." Sagot ko.

"Hindi ka nagiingat." Sabi nito at saka may kinuha sa bulsa nya. "Maghahagis ako ng bomba. May humahabol din sa akin. Masusundan na nila tayo."

Nakita ko nga. May mga humahabol din kay Mikko na mga robots, at dahil magkasama na kami, kaming dalawa ang hinabol nila. Ilang segundo lang, naghagis na si Mikko ng bomba para mapigilan sila. Hindi naman nakakatakot yung bomba, parang flash bomb lang sya.

"Wala na ba?" Sabi nya.

"Wala na ata. Sa pathway 18 na tayo dumeretso."

"Sige." 

Pero nang patakbo na kami papuntang pathway 18, natigilan ang mga ako nang may mahagip akong robot na nasalikuran lang namin. Si Mikko ang target nya. Agad kong sinunggaban ng tulak si Mikko para hindi sya tamaan ng kung anong ilalabas ng robot na yon. Nakita ko na lang na dumudugo ang hita ko matapos kong itulak si Mikko, pero hindi ko muna inisip ang sakit, dahil kinailangan ko pang barilin yung robot para tantanan na kami nito.

--------------------------

[Mikko's POv]

[3 minutes before Ring 3 collapses.] Sabi ng timer ko.

"Tanga ka ba?! Dapat sinabi mo na lang sa akin na may robot sa likuran ko. Tingnan mo ang nangyare sayo!" Galit kong sabi.

"Eh hindi ko na napigilan eh. Natakot akong baka matuluyan ka kaya yun ang ginawa ko." Kunot noo nyang paliwanag sakin.

Sa lagay nya ngayon, bakit mas mukha pang ako ang mas nagaalala sa sitwasyon nya kaysa sya? Wala na akong masabi sa babaeng to.

Agad ko syang pinasan sa likuran ko at saka ako tumakbo papuntang pathway 18. Damn, she's too troublesome.

"Wag mo na uli uulitin yon." Sabi ko habang tumatakbo.

"Paano ko mauulit eh hindi ko na nga maigalaw ang kanang paa ko." Sabi nya.

"Hindi ka kasi nagiisip." Irita kong sabi.

"Oo na." Sabi nya.

Halos 30 second na lang ang natitira nang makaabot kami sa Ring 2 ni Rury. Pag apak na pagapak namin doon, inakap ko sya at saka ako kumapit sa dapat kong pagkapitan. Malakas kasi ang wave ng mga nagcocollapse na ring, kaya dapat kaming magingat.

-------------------------------

[Ice's POV]

"Teka, teka! Hindi ako kalaban!" Dispensa nung batang babae habang nakataas ang dalawang kamay nya. Tinutukan ko kasi sya ng blades. "T-Taga Howling Flames po ako." Sabi nito sabay pakita nung ID.

Code Name: Agent RedWhere stories live. Discover now