A/N: baka po may naulit na words, wag nyo na lang po pansinin. Mainit na talaga dugo ko habang tinatype ko to dahil ayaw iload yung buong texts na tinype ko. AS IN MAINIT NA TALAGA ANG DUGO KO - _____ - )
[Mikko's POV]
"Nababaliw ka na ba?!" Bulalas ko nang ipaliwanag ni Rury ang plano nya para mailigtas yung partner nyang agent na natrap sa huling ring.
Nang makabalik si Eden dito, halos mangiyak-ngiyak sya nang sabihin nyang naiwan yung partner ni Rury sa huling ring. Ito kasi ang nagoperate at nagbukas ng pintuan para sa amin, samantalang si Eden naman ang gumawa ng daan. Ang problema, may mga E.R. (eliminating robots) sa control room kaya natagalan yung partner ni Rury sa loob. 1 minuto at kalahati na lang ang natitira at magcocollapse na ang huling ring, pero nandoon pa rin yung partner ni Rury, at kami naman, nasa loob na ng Saturn. Sa tantya ko, kahit na tumakbo pa ng sobrang bilis yung partner ni Rury, aabutin pa rin sya ng tatlong minuto para makarating dito. Huli na sya.
Pero si Rury, may naisip. Isang ideya na kahit kelan hindi ko naisip dahil talagang delikado. Hindi ko talaga maintindihan ang babaeng to. Ika-ika ng maglakad, kung ano-ano pa naiisip.
"Kaya po yan, ate Red Queen. Binigay ko kay Ice yung relo ko bago ako umalis kaya makakatulong po yon." Nagulat ako nang suportahan sya ni Eden.
"Talaga?!" Nagning-ning ang mga mata ni Rury nang sinabi ni Eden yon. "May magnetic properties ba yung relo mo? Ang ibig kong sabihin, may program kung saan pwede syang makaattract ng metalic na mga bagay?"
"Opo." Nakangiting sabi ni Eden.
Wag na kayong magulat sa mga nagagawa ng mga relo namin. Ang metal attracting property ay isa lang sa pinakabasic na application ng relo namin. Kailangan yon para kung sakaling may patalim o bagay na kahit ano mang gawa sa bakal yung mga makakalaban namin, magagawan namin ng paraan. Pero etong si Rury, kakaiba ang iniisip.
"Mikko, bigyan mo ako ng kahit anong gawa sa bakal. Dali na!!"
———————————-
[Ice's POV]
Nakayuko ako sa control room habang hinahabol ko ang hininga ko. Pakiramdam ko dito na matatapos ang lahat para sa akin. Ang mahalaga naman, mission accomplished. Kahit wala ako, nandoon si Eden para tulungan sila. Tanggap ko nang kasama ako ng Ring1 na sasabog.
[Ice... naririnig mo ako?!] Pero nagulat ako nang may magsalita sa kabilang tenga ko. Si Rury yon.
"Oo." Deretso kong sabi. "Wag mo na akong isipin. Ayusin mo na yung mission mo."
[Loko ka pala eh. Eto na nga at ililigtas ka na pakipot ka pa!] Narinig kong sabi nya.
"WAG MO SUBUKANG BUMALIK DITO! 1 minute and 15 seconds na lang ang natitira. Hayaan mo na ako."
[Ice.. wag kang makulit. Takbuhin mo hanggang doon sa kalahati ng Ring1. Kung saan binutasan ni Eden yung pader. TAKBUHIN MO NA WAG NA MAREKLAMO!]
Napakagat ako sa labi ko. Yung tono ng boses na nya na yon, parang kakaiba. Parang yung mahiyain at luka-lukang Rury na kilala ko, naging seryoso. Ano bang pinaplano nya?!

BINABASA MO ANG
Code Name: Agent Red
Teen Fiction[End] One of the top teenage secret agent Rury de la Cruz A.K.A. Agent Red Queen was given a very important mission to save their country, and that is to go to an elite school AS A BOY where Saya Konohana, the daughter of the leader of the terrorist...