Mission 11

4.5K 121 1
                                        

[Rury's POV]

Naloko na. Naloko na. Naloko na.

Bakit ngayon pa ako kailangang magkaroon?! BAKET?! Pag minalas ka nga naman! Wala akong dalang kahit anong feminine pads! Ano na gagawin mo, Rury? LASLAS NA!

Matapos kong maligo at labhan yung brief na sinuot ko na may dugo, nakayuko akong umalis ng banyo. Anong gagawin ko?!

"Oy, hindi mo na ba gaga--" Narinig kong sabi ni Mikko sa akin.

"WAG MO AKONG KAKAUSAPIIIIN!" Sigaw ko 

Kumunot ang noo nya habang nakatingin sa akin. "Huh?" 

"BASTA! WAG MO AKON--" Natigilan ako sa pagsasalita nang may maramadaman akong pumuslit na kaunting dugo mula sa sarili ko. 

Okay Rury, inhale at exhale. Wag kang magpapadala sa emosyon mo, baka gusto mong bumaha ng dugo dyan sa boxers na suot mo at malaman nya ang pinakatatagu-tago mong sikreto. Wag kang magpapadala dahil kinuha nya ang first kiss mo. Hinga, Rury! Hinga.

"A-Ano uli yun?" Kinalma ko ang sarili ko.

Napabuntong hininga sya. "Tinatanong ko kung gagamitin mo pa ba yung banyo."

"H-Hindi na. Sayo na yung banyo." Sabi ko at naglakad ng patagilid sa kanya. Delikado na, baka may tagos ako.

Matapos noon, humiga agad ako sa kama ko at nagtakip ng kumot. Wala akong balak pumasok sa mga klase ko ngayon dahil delikado na, baka doon pa ako magkalat ng dugo.

Nang umalis na si Mikko papuntang klase nya, tinawagan ko agad sila Mae para magawan nila ng paraan yung problema ko. 

"Mae!" Pabulong kong sabi

[Bakit? May nangyare ba?] 

"Oo! Mae, m-may... may mens ako ngayon, at wala akong dalang pads."

[HA?! Bakit hindi ka nagdala?!] Sya

"Nakalimutan ko kasi. Sorry! Please tulungan nyo ako. Hindi naman pwedeng ako ang bumili nun sa canteen namin! Alam nyo namang lalake ang cover ko." 

[Sige. Bibili kita dito, tapos ipapadala ko na lang kay Seab pagpasok nya dyan.] Mae

"HEP! HEP! HEP! Kung ipapadala nyo yun kay Sean, ilagay nyo sa isang kahon, tapos wag nyong sasabihin na feminine pads ang laman non."

[Syempre. Kalalaking tao non.]

"Sige. Salamat ah. Sorry talaga."

Para akong tuod kung maglakad papuntang library matapos kong makatanggap ng text mula ka Sean na dala na daw nya yung package na pinabibigay sa akin ni Mae. Rury, ingat ka ha. Hindi mo kayang kontrolin ang flow ng dugo, kaya isang maling hakbang lang... tapos kang bata ka.

"Sherwin!" May narinig akong boses na gumulat sa akin. Napasinghap ako at sinubukang pigilin ang pagflow ng dugo sa loob ko. Nang nilingon ko, si Jasper. *face palm* Patay ako.

"O-Oy." Ako

"San ka pupunta? Tara, sabay tayong kumain?" Sya

Wala na akong oras. Tutulo na! "Teka lang, Jasper. Intayin mo ako dyan. Babalik ako!" Sabi ko sabay karipas ng takbo papuntang library.

"Oi!" Sigaw nya pero hindi ko na lang pinansin. Kailangan kong magmadali! Ilang segundo na lang, pwede akong tagusan!

"Sherwiiiiin~!" May narinig akong tawag sa hallway. Nanigas ang buong katawan ko nang makita ko si Donna na slowmo pang tumatakbo papunta sa akin. NYAYKS!! Agad akong pumasok sa loob ng library at tumakbo papuntang librarian corner. 

Code Name: Agent RedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon