[Rury's POV]
Sasaluhin ko, oh magpapatama ako? Ano bang gagawin ko? Naghahalo-halo na ang mga iniisip ko habang pumapatak ang pawis ko sa mukha ko. Ano na, Rury?
"Magdasal ka ng gago ka!" Sigaw ni Jomarie tapos ipinikit ko ang mga mata ko at nagantay ng tubong babagsak sa akin.
Pero wala akong naramdaman. Dumilat ako at tumingala. Nakita ko si Jomarie at yung mga kasama nya na nakatining sa kabilang direksyon. Napatingin din ako sa kabilang direksyon at nakita ko si Mikko na nakatayo at nakatingin sa amin.
"S-Si Mikko." Sabi ni Paulo.
"Bullying again, I see." Sabi ni Mikko tapos naglakad sya papunta sa amin. "Kung kusa kayong sasama sa akin, ginagarantisa kong hindi na kayo masasaktan pa, pero kung gusto nyo talaga ng sakit ng katawan, sige." Sabi nya sa malamig na tono nyang boses.
Agad nilang pinakawalan ang bugbog saradong si Jasper tapos itinaas nila ang mga kamay nila. Ako naman tong tumakbo agad papunta kay Jasper. Homaytegibels. Anong nangyayare sa kanila. Para silang mga kriminal na sumusuko sa isang pulis.
"Tsk. Putangina." Bulong ni Jomarie tapos hinagis nya yung tubong hawak nya at itinaas ang mga kamay nya.
"Ligtas na tayo." Sabi ni Jasper habang nakaakbay ako sa kanya. "Buti na lang, dumating si Sergeant at Arms."
"Sergeant at Arms?" Kunot noo kong tanong.
"Oo, si Mikko ang Sergeant at Arms ng Student Council. Sya ang humuhuli sa mga lokong studyante na mahilig manggulo."
Napatingin ako kay Mikko na pinapalakad isa-isa ang mga mokong na bumugbog kay Jasper. Hindi ko maiwasang matulala. Astig pala sya.
"Kinakatakutan sya sa skwelahan na to, dahil kapag nanlalaban yung mga studyanteng nahuhuli nya, kung hindi sila papasok ng may black eye, papasok kila ng alternate ang ngipin." Nakuha pang magpatawa ni Jasper.
"Ang galing." Mahinang bulong ko. Ang bangis nya.
"Hoy." Sabi sa amin ni Mikko na nagpabalik ng ulirat ko. "Dadalhin ko kayo sa clinic para magamot yang kasama mo."
"S-Salamat." Jasper.
"Ginawa ko lang ang dapat kong gawin. Tumayo na kayo dyan para hindi nasasayang ang oras ko." Sya
Pero kahit astig sya, nakakainis pa rin ang ugali nya. Halimaw to! He's a cold beast with cold eyes, a cold stare, and a cold heart! Pero utang na loob ko sa kanya ang nangyare sa amin ngayon. Buti na lang at dumating sya, kung hindi... baka kung ano na ang nangayre sa amin.
Matapos kong makitang ginamot na si Jasper, iniwan ko sya dahil yung nurse na daw ang bahala sa kanya sa pagbalik nya sa kwarto. Sana makapasok sya bukas. Ang dami nyang pasa at sugat sa katawan eh.
Madilim-dilim na nang makalabas akong clinic. Agad akong pumunta ng dorm ko para makapagpahinga na. Naabutan kong nagbabasa si Mikko ng mga notes nya habang nakahiga sa kama.
Lunok laway akong nakipagusap sa kanya. Nakakakonsensya naman kung hindi ako magpapasalamat sa kanya. Malaki pa rin ang utang na loob ko sa kanya kahit na nakakairita ang ugali nya.
"Mikko, salamat nga pala kanina." Sabi ko.
"Ilang ulit ko na bang sasabihin na ginawa ko lang ang dapat kong gawin?" Sabi nya pero hindi umaalis ang mga mata nya sa notes nya.

YOU ARE READING
Code Name: Agent Red
Teen Fiction[End] One of the top teenage secret agent Rury de la Cruz A.K.A. Agent Red Queen was given a very important mission to save their country, and that is to go to an elite school AS A BOY where Saya Konohana, the daughter of the leader of the terrorist...