[Rury's POV]
Badtrip. Mikkong epaluuur!
Walang akong nagawa kung hindi ang mapilitang pumasok sa kotse ng malignong yon. Hmp. Wala naman akong choice eh. Ayokong mag-ala baliw dun at kumanta ng "Heto ako, basang-basa sa ulaan! walang masisilungan, walang malalapitan." Haha. Baka sa mental na ako maideretso. Isa pa, ayokong mabasa ng husto si Saya.
Ang kaso, pagpasok ko sa loob, sumalubong sa akin ang pagkalamig-lamig na aircon. Sige. Basang-basa na ako, i-aircon mo pa.
"Hoy!" Pabulong kong sigaw kay Mikko. "Paano ka nakakuha ng kotse?!" Pagtatanong ko sa kanya.
Don't get me wrong readers! Gusto ko lang malaman kung saan nya nakuha ang kotse nya. Hindi ako nagseselos ah, kasi may kotse sya.
"Binigay sa akin ng agency." Sagot nya pero hindi ako nililingon.
ANG DAYA! Bakit sya merong kotse, AKO ISANG SKATEBOARD LANG NA NAKAKAMATAY ANG BINIGAY NILA SA AKIN! BAKET!
Oo, hindi ako nagseselos ng lagay na yan. Ang hindi maniwala, bumagal sana internet.
"T-Teka nga, paano mo nalaman kung nasaan kami? Sinusundan mo kami no! ISTORBO KA TALAGA!" Inis ko pang bulong sa kanya.
"Remember how you interrupted our lunch the last day we had a lunch?" Nakangiting tanong nya sa akin. Biglang pumasok sa isip ko yung paniningit ko sa lunch nila ni Saya kahapon. Natameme ako.
"Now, we're even." Nakangitng sabi pa nya.
Batukan kaya kita para maging even ang mukha mo?
Napasandal ako sa upuan at napabuntong hininga. Punyatera, kung nakisama lang ang panahon sa date namin ni Saya, hindi mangyayare to. Argg! Bakit ba kasi palagi nalang humahadlang sa matitinong plano ko tong halimaw na to? Wala na ba syang kaligayahan kung hindi hadlangan ang da moves ko kay Saya at ang kapayapaan ng buhay ko?! ANO AUTHOR, MASAYA KA NA?! MASAYA KA NG NAGHIHIRAP ANG PROTAGONIST NG STORYA MO?! IHAGIS KITA SA BINTANA EH.
Chorva.
"Palagay ko mabuti kung maghanap tayo ng coffee shop para mainitan ang katawan ni Sherwin, Mikko. Basang-basa na sya at kailangan nyang mapainitan agad. Medyo malayo-layo pa ang school eh." Alalang sabi ni Saya kay Mikko da bakulawers.
Iritang lumingon si Mikko sa amin. Okay kelan ba umaliwalas ang nakasambakol nyang mukha? Pero sa tingin ko, naiirita sya ngayon kasi ako ang iniisip ni saya, at hindi sya at ang pagpapacool nya gamit ang kotse nyang hindi naman sa kanya.
Oo readers, hindi ako bitter sa kotse nya. HINDI TALAGA!
Binigyan ko agad si Mikko ng isang malokong tingin na nagsasabing. "Haha bulok ang style mo, sing bulok ng kotse mo! Ako iniisip ni Saya hindi ikaw!" Hahaha.
"Sige. May coffee shop akong alam dito." Sabi ni Mikko at saka kami dumeretso sa coffee shop.
"Dalawang black coffee at isang hot chocolate." Sabi ni Saya sa waiter nang lumapit ito sa amin.
"Ako na ang magbabayad." Presinta ko. Pasalamat ka Mikko at kailangan kong magpaimpress kay Saya at pati ikaw malilibre ko. TANAWIN MO TONG UTANG NA LOOB LECHE KA!
Tumitig lang sa akin si Mikko habang nakakunot ang noo nya. Geh! Titig ka lang! Unti-unti na akong nagiging immune sayo at sa titig mo. Hah! Kala mo ah.
"Guys, magC.C.R. lang ako." Sabi ni Saya at saka sya umalis ng table.
"Hoy, wala ka na bang kaligayahan kung hindi ang bwisitin ako?" Naniningkit ang mga mata kong sabi sa kanya.

YOU ARE READING
Code Name: Agent Red
Teen Fiction[End] One of the top teenage secret agent Rury de la Cruz A.K.A. Agent Red Queen was given a very important mission to save their country, and that is to go to an elite school AS A BOY where Saya Konohana, the daughter of the leader of the terrorist...