[Rury's POV]
Nakayuko ako sa isang sulok habang umiiyak. Pano na? Wala na ba akong pagasa? Lahat na ginawa ko para makalabas, pero wala din. Wala akong kahit ano liban sa bombang ito na nakakabit sa katawan ko. Pagsumabog to, kasama ako... panigurado.
"Rury!!"
Napalingon agad ako sa pintuan nanang marinig ko yung pamilyar na boses na yon. Di ako pedeng magkamali, si Jasper yun!
"Jasper?!" Sigaw ko din.
"Rury, nasa loob ka?!"
"Oo!! Anong ginagawa mo dito?!"
"Tumabi ka muna, palalabasin ka namin dyan! Lumayo ka sa pinto!" Ngayon naman, boses ni Ice ang narinig ko.
"Ice?"
"Tumabi ka, ate Rury!" Boses ni Eden yun.
Agad akong tumakbo sa pinakadulo ng kwarto at saka ko tinakpan ang ulo ko. Maya-maya pa... nakarinig ako ng malakas na pagsabog sa pintuan. Halos ubuhin pa ako sa usok na lumabas galing sa butas. Kasabay non nakakita ako ng liwanag. Bago ko pa mailingon ang mukha ko, nakaramdam agad ng akap.
"Rury..." iyak ni Jasper.
Napangiti ako, "bakit ka nandito?"
"Hindi kita iiwan!" Parang bata nyang sabi sabay hawak sa balikat ko habang umiiyak.
"Delikado dito, Jasper," balik ko sa kanya.
"Kahit na!"
"Makulit talaga yan, Rury," nakita ko si Ice at Eden na naglalakad papunta sa akin. "Eka, ano yang nasa dibdib mo?" Sabi nya, at may gulat na mukha.
"Bomba," tipid kong sagot.
"Aalisin ko!" Si Eden.
"Hindi to ganung kadaling alisin," sagot ko. "Parang nakakabit sya sa balat ko. Isa pa, kumplikado ang pagkakagawa sa bombang ito. Isang maling galaw lang... tapos na."
"P-Paano na?" Nagaalalang tanong ni Eden.
"S-Sino nagkabit sayo nyan?" Si Jasper.
"Si Mr. Konohana," sagot ko. "May mga bomba ding nakakabit sa buong isla at kaparehas ng oras na natitira sa akin ang nandoon. Kailangang mailigtas agad si Mama at makaalis na kayo."
"Mahaba-haba pa ang oras. May isang oras at kalahati pa tayo para magawan ng paraan ang lahat," sagot ni Ice.
"Tama ka," sabi ko.
"T-Teka, lalaban ka ng nang nakakabit sayo yan?!" Bulalas ni Jasper.
"Oo," sabi ko sabay tayo. "Ice, alam ko kung nasaan si Mama, ako mismo pupunta sa kanya."
"Sasama kami," sabi ni Eden.
"T-Teka! Rury, hindi ba't delikado yang--"
"Jasper," di ko na sya pinatapos, "kaya ko to," sabi ko sabay ngiti.
Hindi na sya nakasagot pa, pero agad syang tumayo sa harapan ko. "Sasama din ako," sabi nya.
"Sige, basta't kapag nakuha ko na si Mama, kailangan kasama nyo syang bumalik ng airship." Utos ko.
"Walang problema," sagot ni Ice. "Mabuti pa, magayos ka na ng katawan. May mga dala kaming mga gadgets na makakatulong sayo para bumalik uli sa laban. Hindi lang ako sigurado kung lumalaban ka gamit ang espada, pero sana maremedyohan mo na to."
Ngumiti ako. "Sige, walang problema."
Sandali na lang... Mama!
---

YOU ARE READING
Code Name: Agent Red
Teen Fiction[End] One of the top teenage secret agent Rury de la Cruz A.K.A. Agent Red Queen was given a very important mission to save their country, and that is to go to an elite school AS A BOY where Saya Konohana, the daughter of the leader of the terrorist...