Mission 52

2K 63 6
                                        


[Rury's POV]

Tulala ako. Hindi ako makagalaw. Totoo ba tong nakikita ko? Si Kharone.

"Wag ka namang ganyan, Rury. Para kang nakakita ng multo." Sabi nito.

"K-Kharone," yun lang ang lumabas sa bibig.

"Ang tagal kong hinintay to, Rury..." napakadilim ng ngiti nya at saka nya kinuha yung sibat nya na nakatarak pa din dun sa ulo ni Project Motherhood. 

"Kharone, hindi mo naiintindihan--"

"It's payback time, bitch.."

-------------------------

[Jasper's POV]

Kasama ko yung bata at yung librarian ng school namin dati na sumakay dun sa isang malaking... ano ba to? Space ship? Jet? Ewan. Basta malaki at lumilipad. Yun na yun.

"Mga anong oras tayo makakarating dun?" Tanong ko sa bata.

"Pede bang kumalma ka nga?!" Iritang sabi nito.

"Nagaalala ako kay Rury eh!"

"Sino ba kasing hinde? Alam mo kung hindi ka iimik sa isang tabi, ako na mismo magpapakain sayo sa pating. Nakikita mo yang bitanang yan? Dyan kita ilalaglag." Sabi nito sabay turo sa bintana ng ship sabay alis.

Napabuntong hininga ako.

"Ganyan po  talaga si Ice kapag tensyonado," may batang babaeng nagsalita sa likuran ko, "nagaalala yan kay ate Rury, sigurado ako."

Tumango ako. 

"Ano po pangalan mo, kuya?"

"Jasper." 

"Eden po pangalan ko, kuya. Dating partner po ako ni Kuya Mikko,"

Napangiti ako.  May mabait naman pala dito eh.  

"Kuya,  pag dating po natin dun,  wag po kayong hihiwalay samin ni Ice ah?  Kami po bahala sa inyo. "

"Oo,  sabay sabay nating ililigtas si Rury," nakangiting sabi ko. 

"Opo,"

Saglit na lang... Rury!  Papunta na kami! 


----

[Rury's POV]

Tumakbo ako kaagad matapos kong hagisan ng smoke bomb si Kharone. Grabe,  hindi ako makapaniwala, pero ang alam ko... pag hindi ako nakaligtas bago ko maligtas si Mama, tapos na ang laban na to. 

"Red Queen, sa lahat ng ayaw ko,  yung tinataguan ako!" Narinig kong sabi nito.

Napalingon ako at nakakita ng konti pagbabago sa usok kaya agad akong lumiko sa pag takbo. Sa isang iglap, may kung anong matalas na malaking bagay akong naramdaman na tumarak sa tinatapakan ko. Sentimetro lang ang layo nito mula sakin. Kitang kita ko yung pagkakabaon nito sa lupa.


Isang lancer.


Napabalik ang mata ko kay Kharon.


"Athena, aim your target!" Narinig kong sabi nito.


Nang marinig ko yun, natataranta akong lumipad gamit yung skates. Nakita kong sumusunod sa akin yung lancer habang umiikot. Mabilis ito. Alam kong babarenahin ako nito pag naabutan ako.

Code Name: Agent RedWhere stories live. Discover now