Mission 45

2.3K 76 6
                                        


[Rury's POV]

Yumanig yung buong kwarto namin matapos kaming makarinig ng pagsabog malapit sa building namin. Ano yon?! Napakalakas ng pagsabog!

Hindi pa ko nakakapagsuot ng sapatos nang mapalabas ako ng banyo. Tapos non, nasundan pa ng isang pagsabog dun sa kabilang banda ng building namin.

Iisa lang ang pumasok sa isip ko... si Jasper!

Agad kong kinuha yung ballpen kong maneuver gear at tumakbo nang di alintana yung ugong.

"San ka pupunta?!" Si Mikko.

"Pupuntahan ko si Jasper! Libutin mo yung buomg building, baka may mga tao sa loob!" Sabi ko sabay alis.

Malapit yung pagsabog doon sa kwarto nila Jasper, sana ligtas sya.

"Jasper! Jasper!" Sigaw ko nang makaapak ang mga paa ko sa semento. Hindi ko na inisip na magsuot ng tsinelas.

Pagbukas ko ng pinto nakita kong nakatago sya sa ilalim ng lamesa. Nagbabagsakan na kasi yung bato.

"Jasper, tara!!" Sabi ko sabay hatak sa kanya.

"Sh-Sherwin? Bakit ang tinis ng boses mo?" Nagulat akong tanong nito. Hindi ko pa pala naayoa ang boses ko.

"Basta tara na!" Sabi ko sabay hatak sa kanya. Umalis kami ng room tapos tumakbo kami pababa.

"Sherwin, a-ayos ka lang? May napano ba sayo sa pagsabog?!" Nagulat ako nang tanungin nya ako. Parang baliktad yata. Ako dapat ang nagtatanong sa kanya noon.

"Wala naman. Ikaw?" Tanong ko.

"A-ayos lang ako," sabi nito. "Pano mo nalamang nandoon ako?"

Pero hindi pa ako nakakapagisip ng isasagot ko, nakakita ako ng pulang bagay sa gilid namin. Hinila ko agad si Jasper, inakap at tumalon sa stairway ng building. Matapos non, may pagsabog na nangyare sa bandang likuran namin. Sa sobrang lakas, tinangay ang wig ko.

"Jasper!" Sigaw ko habang nakadapa ako sa ibabaw nya.

Nanlaki ang mga mata nya nang makita nya ako, "T-Teka.. a-anong..."

"Nasaktan ka ba?!"

"Sherwin?" Tanong nito "Hinde.. ikaw yung-- anong ibig sabihin nito?" Hindi makapaniwalang sabi nya.

Binigyan ko sya ng tingin na nagsasabing "Sorry, hindi ko sinabi."

"B-Babae ka?"

Tumango ako.

Lalong nanlaki ang mga mata nya. Hindi sya nakapagsalita. Hanggang sa makarinig kami uli ng pagsabog. Naramdaman kong inakap nya ako at saka sya pumaibabaw sa akin. Tinakpan nya ako.

"Ayos ka lang?" Sabi nito.

"Hindi mo dapat ginawa yun!" Sabi ko.

"Hindi ko.. hahayaang... masaktan ka." Sabi nito sa nangungusap nyang mga mata.

Naningkit ang mata ko sa sinabi nya. Ngayon lang ako... nakaramdam ng ganito.

"B-Bumaba na tayo," sabi ko tapos sabay kaming tumayo. "Magpapaliwanag ako mamaya,"

"Kahit hindi na," narinig kong sabi nya. "May dahilan ka kaya mo hindi sinabi sakin, at nirerespeto ko yun. Sabihin mo na lang sa akin, paghanda ka na."

Code Name: Agent RedWhere stories live. Discover now