[Rury's POV]
Patay.Patay.Patay.Malas. Malas. Malas.
Lagot. Lagot. Lagot.
Para akong nakakita ng multo.. este, nakakakita na nga pala ako ng bakulaw na nasa harapan ko... nang lumingon ako sa likuran ko. Naloko na. Hanggang kelan pa sya nasa likuran ko?! Narinig nya kaya lahat ng mga pinagsasabi ko? Oh no, I'm dead dead dead meat.
"U-Uhmmm." Hindi ako makasagot ng maayos dahil sa pagkadehado. Isa pa, nakatingin sya sa akin na para bang may solar power na lalabas sa mga mata nya at tutunawin nta ako. Hala.
"Ano?" Seryoso nyang tanong.
HALAAAA! Anong gagawin ko? Secret Agent din tong tukmol na to kaya sigurado akong dapat hindi basta-basta alibi lang isasagot ko. Isang maling word lang, sabog ang mission ko.
Napatayo ako sa pagkakaupo ko. Humarap sa kanya. Kumuha ng malalim na hininga at nagsalita.
"Mabubuko mo? NA AYOKO SAYO!" Buong boses kong sabi sa harap ng pagmumukha nya. Nagtalsikan pa ata mga laway ko sa pagkakasabi ko nun.
Tumaas yung kanang kilay nya na par bang nagtataka sya sa sinabi ko.
Tinuro ko sya. "Ikaw! Sakit ka sa ulo ko! Akala mo ba, mapupunta sayo si Saya?! HINDE! Hindi ako papayag! Ako ang magugustuhan nya at hindi ko hahayang mapunta sya sayo! OVER MY DEAD BODY!" Galit kong sigaw sa kanya.
Hindi ko alam. Hindi ko talaga alam kung anong pumasok sa kokote ko at yun na lang pinagsasabi ko. Malamang siguro yung yung pinaghalong inis, bwisit at irita ko sa kanya. Teka nga, iisa lang yung inis, bwisit at irita di ba? Hay! Basta hinayaan ko na lang na magsalita ang bibig ko sa mga panahon na yon.
Matapos non, naglakad ako papatalikod sa kanya tapos umakyat sa kama ko at nagkulubong. Pero sya? Takang-takang ang mukha nung iniwan ko sya.
Nakalusot ba ako? Hala! Hindi ko alam kung tama ba yung mga katagang pinagsasasabi ko sa kanya. Nagtalsikan pa ata laway ko eh. Sana lusot ako! Argh. Bakit kasi hindi muna ako nagiisip bago ako magsalita! Pakiramadam ko nagsalita ako ng hindi konektado ang dila ko sa utak ko. JUICE COLORED!
Matapos ng ilang oras inalis ko na yung kumot na nakatakip sa buong katawan ko. Siguro naman tulog na yung lalakeng yun kaya libreng-libre na akong bumaba. YOKO NGANG MAKITA PAGMUMUKA NYA!
Bumangon ako at binuksan ko yung maleta ko at naghanap ng damit pantulog. Habang naghahalungkat ako, halos tumalon ng tibok yung puso ko nang may makita akong bra at panty dun sa loob ng maleta ko. HUEMJI! B-Bakit ako may ganito?! D-Dapat puro panlalaking damit lang ang meron ako ah! Ba-Bakit may ganito dito?! Teka nga, dun nga pala ako nagpalit ng damit sa van nung nakaraang araw. Siguro dito ko na lang sa loob ng maleta ko nailagay yung pinagpalitan ko ng damit. Patay! Agad kong sinuksok yung mga undies ko na yun sa pinakailalim na parte ng maleta, para walang makakita.
Matapos non, dumerederetso na ako sa banyo para maligo. Heh! Tulog na yung bakulaw nang makita ko sya. Wag na sanang magising.
----
Nagkukumahog akong magayos ng sarili ngayong umaga dahil shemay, late na late na ako! Tanghali na ako nagising kasi gabi na rin ako nakatulog.
Pinasok ko lahat ng gamit ko sa bag ko at nagtatakbo papalabas ng kwarto namin. Sana hindi pa nagsisimula ang klase. Ugh! Loko talaga yung Mikko na yun, hindi man lang ako ginising. Sa bagay, ANO BANG AASAHAN KO SA KANYA?!
Pagbukas na pagbukas ko ng room namin, sumalubong sa akin yung mga kakalse kong nakagrupo-grupo at naguusap. Anong nangyayare?!
"Good morning, Sherwin!" Bati sa akin ng anghel kong target na si Saya. Ngingiti na sana ako sa kanya pare nagulat ako nang biglang lumingon sa akin yung si Mikko na kasama ni Saya. Ang talim ng tingin nya sa kin! N-Nakakakilabot.

YOU ARE READING
Code Name: Agent Red
Teen Fiction[End] One of the top teenage secret agent Rury de la Cruz A.K.A. Agent Red Queen was given a very important mission to save their country, and that is to go to an elite school AS A BOY where Saya Konohana, the daughter of the leader of the terrorist...