Mission 17

4.2K 102 9
                                        

[Rury's POV]

Heto ako ngayon at nakatunganga sa harap ni Donna habang kumakain ng ng burger at milkshake sa cafeteria. Hindi tuloy ako makakain ng maayos dahil naiilang ako sa kanya. I mean... bawat kain ko, nakatingin sya sa akin!!

"Uhmm, ayaw mo bang kumain, Donna?" Tanong ko sa kanya.

"Oh!" Nagulat sya at saka sya natigilan sa pagtitig sa akin. "Ang cute mo kasing kumain eh!" Nakangiting sabi nya tapos sumubo sya ng kinakain nyang Carbonara.

"H-Hindi naman. Ahahah." Pilit kong tawa.

Nako, panguradong namumulaklak na si Jasper kahihintay sa akin sa canteen (Opo, may cafeteria kami at canteen. Magkaiba po yon. Haha.) Kung hindi ba naman kasi ako nacorner nitong ex nya eh. 

"Sherwin." Tawag sa akin ni Donna.

"Yes?" Sabi ko at saka ako tumingin sa kanya.

"I like you~" Sabi nya at saka pumalumbaba sa lamesa habang nakatingin sa akin.

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nya. Nagtaasan lahat ng balahibo ko sa katawan at parang naging bato yung buong katawan ko.

WHAHAHAHAT?! More like seriously, HUWAAAAT?!

"Ha?!" Nganga kong sabe. 

"Oo! I like you talaga! Actually this is the first time na nagkaganito ako sa isang guy." Sabi nya tapos hinawakan yung kamay ko na nakapatong sa lamesa.

Donna, isa lang masasabi ko, HINDI AKO LALAKE! HINDI TAYO TALOOOOO! AT KINIKILABUTAN NA AKO SA PINAGAGAGAWA MOO!

"And Sherwin, may sasaihin pa ako sayo." Sabi nya tapos humigpit pa lalo ang pagkakahawak nya sa kamay ko.

Ano?! MAY AFTER SHOCK PA?!

"Pakiramdam ko, hindi malayong main love ako sayo~" Sabi nya sa paraang nagpapacute.

Wow, fantastic baby. --BigBang

"Seryoso ka?" Tanong ko.

"Oo! Gusto kita!" Malakas na sabi nito.

"Sssh! Wag kang maingay!" Sabi ko sa kanya dahil halos nasa likuran lang namin yung isang waiter na nangongolekta ng tray. Isa pa, baka mapagkamalan nilang kami na ni Donna tapos malalaman ni Saya at boom! Sabog ang mission ko.

"I dont care kung marinig ako ng mga people here!" 

Papasakan kita ng burger sa bibig eh! TAHEMEK! 

"Sshh! Donna!" Ako

"Tabe! Tabe! Tabe!" May narinig akong sumisigaw sa gilid namin.

Pagtingin ko sa gilid namin, may nakita akong student na babae na may dala-dalang tray ng mainit na kape na gegewang-gewang maglakad. Nang tuluyan na syang maout of balance, yung kapeng nasa tray na dala nya, tatapos papunta kay Donna.

Agad kong kinuha yung tray na kinokolekta ng mga waiter na nasa likod ko lang at hinarang ko sa gilid ni Donna para hindi sya matamaan ng kumukulong kape.

"Okay ka lang?" Tanong ko sa kanya.

Natigilan sya, tapos kumurap ng maraming beses habang nakatingin sa akin at bigla nyang akong inakap.

"YAY! Prince Charming talaga kitaa, Sherwiiiiin!" Sabi nya habang sinasakal ako sa sobrang higpit ng yakap nya.

DAPAT PALA HINAYAAN NA LANG KITANG MABANLIAAAN!

Code Name: Agent RedWhere stories live. Discover now