[Rury's POV]
"Ikaw?" Nakangangang sabi ko dun sa gwapong lalakeng nasa driver's seat.
Kilala ko sya! Sya yung nakasabay ko sa elevator kanina lang. Wag mo sabihing---
"Agent Vodka, nasa kanya yung files na kailangan natin." Mikko.
"Ah ganun ba?" Nakangiting sabi nung gwapong lalake. "Miss, pwede na ba naming makopya yung mga files?"
Inukit ata ng mga anghel ang mukha nya.
Nakayuko kong kinuha yung phone ko at ibinigay sa kanila para makopya na nila yung files.
"Vodka, basa pa yung sahig nung kwarto nung researcher nang umalis kami. Ipaayos mo, baka makahalata." Mikko.
"Naayos na ni Wine. Don't worry." Yung gwapong lalake.
"Good."
Humarap sa akin yung gwapong lalake. "Kapwa agent din naman kita, kaya ayos lang siguro kung magpapakilala ako sayo. I'm Levy Kelvin Ramirez A.K.A. Agent Vodka, ang coach ng team namin." Nakangiti nyang sabi.
Napatango ako. "Rury dela Cruz. Agent Red Queen."
"Wow. Ayos ah! Mikko, may partner ka na pala." Sabi nya sabay tapik sa balikat ni Mikko.
Automatic na nagflash sa utak ko yung ginawa sa akin ni Mikko kanina dahilan para uminit uli ang mukha ko at magpanic ang buong pagkatao ko. HINDI NA VIRGIN ANG LIPS KO! NADEVIRGINIZED NA NG HALIMAW NA TOOOOOO!
"WAAAAHHH!!" Sigaw ko.
Napatingin sila sa akin.
"Baliw ka talaga! Bakit mo ginawa yon?!" Galit kong sabi habang nakaturo kay Mikko.
Nakakunot lang ang ulo nyang nakatingin sakin. "Ang alin?"
"B-Ba...Bak...Bakit mo...a-ako...h-hina...hin-hina.."
Bumuntong hininga sya. "Hindi kita hinalikan, pinasahan kita ng hangin."
"K-Kahit naaaaa! A-Alam mo bang... a-alam mo..bang..." Hindi ko na maituloy pa ang sasabihin ko dahil nakatitig sya sa akin habang nagsasalita ako. Habang nakatingin ako sa kanya, hindi ko talaga maiwasang mamula at mangatog dahil sa sobra-sobrang kahihiyaan.
"Ano?" Sya
"SHADDAP! UUWI NA AKO!!" Sabi ko.
[Agent Red Queen!] May narinig akong boses. Si Ms. Seri. Napaharap ako sa screen na nasa loob ng van at nakita ko sya. [Kukuhanin ka na namin ni Agent Black Wings dyan. Intayin mo kami.]
Napaakap ako sa screen. "Dalian nyo! Parang awa nyo naaa!"
[Ang O.A. mo.] Sean
"Ano bang nangyare sa inyong dalawa kanina?" Si Vodka.
Bumalik na naman yon sa isipan ko. Pakiramdam ko gusto ko ng matunaw ng dahil doon. Isinuksok ko ang sarili ko sa upuan ng van at dun lumugmok. Hindi na virgin ang mga labi ko, worse si Mikko pa ang nakakuha. Sana kainin na ako ng lupa.
"Oh." Sabi ni Mikko at saka inihagis yung phone ko sa tabi ko. Gusto ko na talagang makauwi. Hindi ko na keribels to.
Nang makita ko na ang van namin, nagmamadali akong tumakbo papunta doon at umakap agad ako kay Mae at ngumawa ng parang bata.

BINABASA MO ANG
Code Name: Agent Red
Teen Fiction[End] One of the top teenage secret agent Rury de la Cruz A.K.A. Agent Red Queen was given a very important mission to save their country, and that is to go to an elite school AS A BOY where Saya Konohana, the daughter of the leader of the terrorist...