[Rury's POV]
Namanhid ang katawan ko nang marinig ko yung sinabi ni Sean sa akin.
"...dinukot ang papa mo, Rury. Dala sya ngayon ng isang aerial craft ng C.C." Hinihingal nyang sabi.
"Ano?" Bulong ni Ice.
"M-Mahahabol pa ba?!" Tanong ko.
"Sa tantya ko mahahabol pa. Kakakita ko lang nito kanina dun sa CCTV na nilagay ko sa loob ng bahay nyo."
Kinuwestyon ng utak ko kung abkit naglagay ng CCTV si Sean sa bahay namin, pero hindi yun ang importante. Napatakbo agad ako sa laboratory ni Ice sabay suot noong pinagamit nya sa akin kahapon.
"Rury, hindi mo kakayanin kung ikaw lang, sasama ako." Sabi ni Ice.
"Ako na bahalang mag operate sa inyo," si Sean. "Kung pagalitan man uli tayo ni Director, ako na din ang bahala."
"Salamat, Sean." Sabi ko.
"Sigurado akong, pagagalitan ako ni Patricia Mae pag di kita tinulungan. Isa pa, nasa isang team tayo. Bilisan mo at umalis ka na."
-----
[Ice's POV]
Pinauna kong umalis si Rury dahil wala akong gagamiting kahit anong aerial gear. Yung gamit nya kasi, ako ang gumawa noon, kaya wala na akong magagamit pa. Buti na lang at may ipapahiram sa akin si Sean. Nasa loob kami ngayon nga aerial ship ni Sean at sinusubukan makasunod kay Rury at dun sa craft ng CC.
Jetpack ang pinahiram nya sa akin. Tumatakbo daw iyon ng minimum na 80 Kilometers per hour at sa maximum na 300 Km/h. Okay, I won't freaking use this in its maximum speed. I might die.
"Tumatakbo yung craft ng 105 km/p, maabutan mo yan. Nakakaabot na si Rury, kaso napakabilis ng galaw nya. Baka bumigay yung gamit nya." Ani ni Sean habang nakatingin sa screen ng computer nya. May camera na nakakabit kay Rury para makita nya yung nangyayare. Nasa loob kami ng isang aerial ship ng team nila.
150 km/ph ang maximum ng gear na pinahiram ko sa kanya, pero sa palagay ko, tumatakbo sya ng 200km/ph. Hindi kaya matuluyan na sya nyan?!
Nagdala ako ng mga gears na pedeng makatulong sa amin, para wasakin yung ship at iligtas ang nasa loob. Si Rury naman, may dala syang gear na kadedevelop ko pa lang. Hawk's claw ang tawag ko doon, pero hindi pa sya tested. Kapag nakasuot iyon sa mga kamay mo, mas pwede itong lumaki ng sampung beses at kaya nitong kumupi ng bakal. Pero natatakot akong baka makaapekto ito kay Rury. Hindi ko pa kasi natetest iyon.
Lumipad ako at sinubukang makaabot kay Rury, pero masyado syang malayo.
[White Snake, sa tantya ko hindi na nakakapagisip ng maayos si Rury, ikaw na bahala. Desperado sya masyadong maabutan yung craft.]
Alam ko yon! Kahit nasa likuran nya ako, alam kong hindi na sya nagiisip ng maayos para lang maabutan yung craft! Naman, Rury!
Akala ko wala nang mas ibibilis pa yung takbo nya, pero nagulat ako nang mas tinodo pa nya iyon at pinilit na mauna dun sa craft. Kitang kita ko na pumailalim sya dun sa craft at lumusot sya sa bandang ibabaw na unahan nito. Teka, wag mo sabihing sasalubungin nya yung craft?!
Hindi kumurap ang mga mata ko. Hindi nya sinalubong yung craft mero nagland sya sa ibabaw noon ng sobrang lakas. Bakit hindi yun lalakas? Tantya ko lagpas na ng 200km/ph ang takbo nya! Nang makapagland sya don, kitang kita ko na dinukot ng mga kamay nya yung harapan ng craft gamit yung gear na binigay ko at sa isang iglap, winasak nya ito. Biglang bumagal ng sobra ang takbo ng ship. Pagkakataon ko na to para makasunod.

YOU ARE READING
Code Name: Agent Red
Teen Fiction[End] One of the top teenage secret agent Rury de la Cruz A.K.A. Agent Red Queen was given a very important mission to save their country, and that is to go to an elite school AS A BOY where Saya Konohana, the daughter of the leader of the terrorist...