Mission 37

2.7K 86 6
                                        

[A/N: Bago nyo to basahin, ipangako nyo saking wala kayong hawak na bolo o taga. Baka patayin nyo ko. *bows*]


The King and the Empress



[Mikko's POV]

Tinitigan ko yung babae nang mata sa mata nang makalapit ako sa kanya. Napakadumi ng mukha nya kahit na nababasa na sya ng ulan. Hindi ko alam pero... nakikita ko ang sarili ko sa kanya noong bata pa ako. Ganito din kasahol ang itsura ko noon... o baka nga mas malala pa dito.

Pero mas nakatawag pansin sa akin eh yung bondage nya sa kabilang mata nya.


Inabot ko sa kanya yung pagkaing binili ko.


Pero nagulat ako nang tumalim ang tingin nya at tinapik papalayo yung plastik ng pagkain na binibigay ko sa kanya.


"Hindi ko kailangan ng awa mo!" Matalim ang mata nyang nakatingin sa akin.


Naningkit ang mata ko sa inis, pero hindi ko na sya sinagot. Tumalikod ako at saka ako naglakad papalayo nang walang sinasabi.


"Hindi mo ba ako narinig?! Sabi ko hindi ko kailangan ng awa mo! Kaya kunin mo na yang pagkain mo!!" Sigaw nya sa likuran ko.

Nilingon ko sya. "Binigay ko na sayo yang pagkain na yan. Bahala ka kung gusto mong kainin o iwan." Sabi ko at saka naglakad uli papaalis.

"Teka sandali!" Narinig kong sigaw pa nito. Wala na akong balak lumingon, pero may narinig akong bumagsak... kaya napalingon ako.


Nakita ko yung babae na nakahandusay sa lupa. Hindi ako nagdalawang isip na puntahan sya at tingnan kung humihinga pa. Humihinga pa naman sya, pero mataas ang lagnat nya. Gutom na gutom na rin sya kaya sya bumagsak.

"Saan ka ba nakatira?" Tanong ko.

"Iwan...mo..nga ako." Bulong nya.

"Wag kang makulit. Saan ka nakatira?" Iritable kong tanong.

Halata din sa mukha nyang naiinis din sya, pero tinuro nya kung saan sya nakatira. Hindi yon malayo mula rito sa daanan, pero liblib iyon. May kubo sa gitna ng liblib na mapunong lugar ako dinala ng mga sinabi nya. Pagkapasok namin doon, hiniga ko sya agad at sinalat ang noo nya. Napakainit noon.

Agad akong naghanap ng matinong damit na ipapalit ko sa kanya dahil basang-basa sya ng ulan. Wala naman sa aking malisya yon, dahil maraming beses na din akong nakakita ng katawan ng babae dahil sa mga mission at trabaho ko dati.


Pero nang inaangat ko sya para palitan ng damit, hinawakan nya ang balikat ko.

"Kaya ko." Sabi nya.


Lumabas ako ng kubo habang hinihintay ko syang magpalit ng damit. Malakas pa rin ang ulan sa labas pero nakasilong naman ako. Makalipas ang ilang minuto, pinapasok na nya ako. Naabutan ko syang nakasandal sa tabi ng lamesa.

"Kumain ka." Sabi ko at saka ko binigay sa kanya yung pagkain na binili ko kanina. Tinapay yoon at may kasamang C2.

"Bakit mo ba ko tinutulungan?"

You'll also like

          

Natigilan ako. "May naaalala ako sayo." Sagot ko.

"Ganun lang kababaw yon? Dahil may naalala ka sa akin? Hindi mo ako kilala."

"Alam ko." Sabi ko.

Napakagat sya ng labi. "Tigilan mo ko. Bakit ba hindi mo na lang ako hayaang mamatay?!"

"Gusto mo nang mamatay?" Tanong ko.

"Oo!"

"Eh bakit ka naghahanap ng makakain sa basurahan kanina? Wag mo kong lokohin."

Natigilan sya at yumuko kasunod noon ang mga pagpatak ng luha nya sa hita nya at ang paghikbi nya.

"Sawa na akong maging ganito... kahit kelan, hindi ko na naramdaman na tumaas. Palagi na lang akong nasa baba." Humihikbi nyang sabi.

Tiningnan ko lang sya.

"Ayoko na."

"Humihinga ka pa, hindi ba?" Sabi ko.

Tumingin sya sa akin nung sinabi ko yon.

"Kung humihinga ka pa, may pagasa ka pa. Kaya ka nga buhay pa... kaya mo pang baliktarin ang sitwasyon mo ngayon. Kaya wag mong tapusin agad ang buhay mo. Nasa sayo pa lang yan, kung gusto mong manatili dyan o hinde." Kahit ako nagulat... nang sabihin ko ang ganung kahabang linya.

"Ang daldal mo pala." Sabi nya.

Sa totoo lang... nakikita ko talaga ang sarili ko sa kanya, kaya ko nasabi yon. Gusto ko kasi.. kahit papano... maging katulad ko din sya na bumangon kung nasaan man sya ngayon. Isa pa, ewan ko ba.. pero habang sinasabi ko yun, naiisip ko din si Rury. Yung baliw na babaeng yon.


"Siguro...nga." Dugtong pa nya. "P-Pero... paano naman ako makakabangon sa itsura kong to?"

"Tutulungan kita." Kusa yong lumabas sa bibig ko.

Napayuko sya. "Hindi mo ako kilala..."

"Hindi mo din ako kilala. Patas lang tayo."

"Ano bang pangalan mo?" Tanong nito.

"Mikko." Sabi ko tapos nilingon ko sya. "Ikaw?"

"Kha... Karen." Sagot nya sabay yuko.

Nagsisinungaling sya. Hindi Karen ang pangalan nya... pero.. kung ako pa rin yung batang katulad nya sa nakaraan.. hindi ko din sasabihin ang pangalan ko.


Umuwi ako saglit sa bahay para kumuha ng pwedeng gamitin ni Karen sa pagpapagaling sya sa sakit nya. Dinadalan ko na din sya ng pagkain. Nakakatawang isipin, pero nagaalaga ako ng taong hindi ko kilala. Salitan ko silang pinupuntahan ni Anna sa buong mga araw na wala pa akong pasok sa school. Ewan ko ba... pero pakiramdam ko, ito ang tamang gawin.


Sa pagdaan ng dalawang araw na magkasama kami ni Karen, pakiramdam ko... unti-unti ko na din syang nakikilala. Oo, may pagkamalihim sya, pero... alam kong may dinadala sya. Kaya naisipan kong komprontahin sya tungkol doon.


Nakaupo at nakasandal ako sa kubo nya, habang sya naman, nakaupo at nakasandal din sa kabilang banda.


"Araw ng lunes ngayon ah? Wala ka bang pasok?" Tanong nito.

"Sa Miyerkules pa ang pasok ko." Sabi ko.

Code Name: Agent RedWhere stories live. Discover now